Chapter 8

2.9K 53 5
                                    

"Oh what happened to your foot Aliana?!" Ani Anjenica at lumapit agad samin.

"Don't!" Awa ko agad ng akmang hahawakan nya ito.

Why do people are like that? Alam na nga nilang masasaktan ang tao sa gagawin nila ay pipilit parin.

"Sorry, what happened ba kasi?! Dane ano ginawa mo sa bestfriend ko huh?!" Angil Anjenica.

Gusto ko siyang awatin ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako makapagsalita sa kirot na aking nararamdaman.

"Nasugatan siya sa may batuhan na pinuntahan nya. Call the owner of the boat. Her cut needs to be checked" Dane said.

Hindi niya parin ako binibitiwan. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib nya dahil hindi ko mapigilang mapaiyak sa hapdi at may mga turista na ding nakikiisyoso sa amin. Can't they mind their own business?!

"Girl naman kasi! Bakit kastupidad pinairal mo? Look what happened to you! Hays" pangaral naman ni Aly.

"Dane! Umalis daw muna yung bangkero natin" Vin, pinuntahan nya kasi yung mga bangkero para hanapin si manong.

"What?! Why did he leave without giving us some notice?" Iritableng ani ni Dane.

"let's just ride other boat baka matagalan pa yung bangkero" suhesiyon ni Anjenica.

They agreed to Anjenica kaya naghanap sila ng maaring arkilahin pabalik sa hotel. Nahihiya ako dahil pati sila ay naabala ko dahil sa nagawa ko.

"Manong, pwedeng ikaw nalang po ang arkilahin namin. Emergency lang po kasi nasugatan yung kasama namin and we need to bring her to the doctor" tanong ni Jako sa isang matandang bangkero.

"Ay ser! Pasensya napo pero kasi inarkila po ako ng mga porener. Hindi ko po sila pwedeng iwan rito" dismayadong sabi ni manong.

"Manong please napo, we will call another bangkero kapag nakadating na tayo sa hotel para sunduin sila. Andami na kasing blood na nasasayang sa friend ko please" pakiusap ni Aly. Pati sila pinagalala ko pa ng husto. I feel sorry.

"no...okay lang. lets just wait kay manong na inarkila naten. Kaya ko pa—-" nahihirapang ani ko when Dane cut me off.

"I'll pay you triple! Just bring us back to our hotel! " Masungit ni ani ni Dane at dahan dahan akong sinakay sa bangka upang maiwasang matama ang aking paa.

Wala namang nagawa si manong kaya pumayag nalang siya. Lumapit muna siya sa mga foreigner na sinasabi niya at nagpaalam. Mukha namang pumayag ang mga ito kaya bumalik na si manong sa aming bangka at sinimulan ng paandarin.

"Dane, your shirt is full of her blood already. Change it" ani ni Vin at hinubad narin ang damit na suot nya at inabot ito.

Tama siya, napuno na ng dugo ko ang damit na ipinangtapal ni Dane sa sugat ko. Mukha ngang malaki at malalim ang sugat ko. Kinuha ito ni Dane at maingat na tinanggal niya nakabalot sa paa ko.
Shocks! It hurts.

"Ou..ouch" ani ko. Tumulo nanaman ang luha ko dahil sa sakit nararamdaman. Ang hapdi niya sobra!

"Calm babe" ani niya at tinulungan naman siya ni Dave sa ginagawa niya. Nakakaramdam nako ng hilo at kirot dahil sakit na nararamdaman ko.

"Call doctor Kim, Dave" utos niya kay Dave at sinunod niya naman ito.

Habang tumatagal ang kirot ay mas lalong sumasakit at nahihilo ako. Naramdaman ko nalang ang unti unting pagdilim ng paligid ko.

Pagkagising ko ay naramdaman ko agad ang pagkirot ng aking sugat sa paa. Minulat ko ang aking mga mata at napagtanto ko na nasa hotel na kami and I have bandage on my left foot.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now