Chapter 11

2.9K 55 1
                                    

Maaga ako nagising ngayong araw dahil sa excitement at may halong kaba. Guess what? Today is my first day as an employee to Dane's company! Nang makausap ni Dad si Dane regarding my plan he said yes without any hesitations. Hindi naman siya makakatanggi kapag si dad na ang nagsabi.

"Goodmorning Aliana! Ang ganda ganda mo sa suot mo iha!" Bungad sakin ni Manang Lety pagpasok ko palang ng kusina. Nag-aayos siya ng umagahan kasama si Nina, ang isa pa naming kasambahay.

Im wearing my corporate attire and four inches nude stiletto.

"Thank you manang. Si Dane po?" Maaga pa kasi at sa tingin ko ay hindi pa siya nakakaalis ng bahay.

"Nasa itaas pa siguro. Hindi panaman nakakaalis ang isang yon. Sumabay kanalang kaya sakanya upang hindi ka mahirapan?" Suhesyon ni manang saakin.

Napagisipan ko rin iyan kagabi ngunit narealize ko na hindi papayag si Dane kapag sinabi ko. Baka isipin pa noon ay pabigat pa ako sakanya.

"Ay hindi napo manang. Dalhin ko nalang po si Ava" tukoy ko sa mustang ko. Ava kasi ang ipinangalan dito.

"Oh andyan na pala si Dane! Iho kumain muna kayo bago umalis ng bahay. Ako ay nagtatampo na saiyo, hindi kana laging nakain dito at ang iniluluto kong paborito mo" may himig ng pagtatampong ani ni Manang Lety.

She cooked breakfast for us. Fried rice, fried eggs, bacon, and beef tapa. May coffee rin for Dane and hot choco naman ang request ko. Wala namang nagawa si Dane at sinunod si manang. Mahal na mahal niya kasi si manang dahil ito ang nagpalaki sakanya at he's very close with manang din. I also sat down near to Dane.

"Oh Dane, isabay mo nalang kaya si Aliana sa iyo iho upang hindi siya mahirapan sa pagdadrive at nakatipid pa" sabi ni Manang kay Dane habang nilalagyan ito ng pagkain sakanyang plato. He's old enough to that but he wants manang to serve him like what she did before when he was young. Namiss niya siguro ito. I want to do it for him pero ayaw ko na sana magpumilit upang hindi ko magalit si Dane.

Ang iba naming katulong ay busy narin sa kanilang ginagawa iyong iba ay nagdidilig sa garden at ang iba ay naglilinis.

"She's old enough manang. She can drive herself to my company" aniya.

"Oo nga po manang. Kaya ko naman na po" segunda ko naman upang hindi na mamilit pa si manang.

Nagkaroon ng matinding katahimikan pagkatapos ng usapang iyon kaya kumain nalang ako. Si manang naman ay wala ng nagawa dahil alam na niya na kung ayaw ni Dane ay hindi niya talaga ito gagawin. Pagkatapos naming kumain ay umalis agad si Dane ng hindi nagpaalam saakin. Hindi naman talaga siya nagpapaalam sa akin. Umakyat muli ako sa kwarto ko at inayos ko ang mga gamit ko and i also put light-make up para mukhang natural lang. Like what i've said to manang I brought my mustang, iyong gift samin ni dad noong kasal namin, to Samaniego Company.

"Goodmorning maam" bati agad ng gwardya pagkapasok ko.

"Goodmorning din po!" I greeted back.

"New employee po?" Tanong niya muli.

"Yes po" ani ko.

"Goodluck maam! Medyo masungit at mainitin panaman po ang ulo ng boss namin dito" Palabiro ngunit may halong pagkaseryosong sabi niya.

I wonder kung laging may pinapagalitan dito si Dane. Naiimagine ko palang na nagpapagalit siya ng employee ay natatakot na agad ako. Paano kung magkamali ako? Baka mamaya ay mapahiya pa ako!

"Huwag ka matakot maam, minsan naman ay goodmood din iyon" bawi niya naman. Nagpaalam na ako sa gwardya at dumaretso na sa 65th floor.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon