Chapter 21

3K 51 5
                                    

Tulala lang ako buong byahe namin pabalik sa Manila. We left Grindo and his friends in the bar. They are trying to stop Dane bago pa man kami makalabas sa bar pero wala he never listened.

Well, ano bang laban ko kay Saliena Rialca? She was Dane's first love. They were together kahit bago ko pa magustuhan siya pero iniwan nga nya ito for her dreams. Yes, I tried talking with Dane when he was still in a relationship with someone pero hindi naman siya pumatol at hindi ko din alam na silang dalawa ni Saliena. That time nagkakalabuan narin sila but I know, Dane loves her so much. After months of their break-up, I took that as a chance para ako nalang magustuhan ni Dane, so desperate, right? We were in good terms na but then kailangan ko na lumipad sa ibang bansa for my study. We had no label back then but I know we both have feelings for each other then that issue happened.

Nasira ako sakanya. Nasaktan ko siya and I think those were all my fault. Nine months after, I heard news about him dating the famous Vina, but then there were some rumours that Dane and Saliena still tried seeing each other. His relationship with Vina lasted for four years and broke up before ko man matapos ang kolehiyo sa ibang bansa at makauwi dito sa Pilipinas.

"Napaaga ata ang uwi nyo? Nasaan si Dane?" Salubong ni manang sakin.

I feel so weak at the moment, unti unti kong niyakap si manang at binuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Dane asked me to ride a cab para makadiretso na sa hospital. Parang nagmamanhid na ang buong pagkatao ko wala ng magawa kundi umiyak nalamang.

"Anong nangyari at bakit ka umiiyak, Aliana?" nag-aalalang tanong ni manang saakin.

"Si Saliena po nasa hospital" tila nanigas si manang sa narinig.

Even manang knows na kapag si Saliena na ang usapan wala ng pakialam si Dane sa lahat. He loved her so much and maybe he still do.

Ikunwento ko ang lahat sakanya at nararamdaman ko lubos na pagkakalungkot na nararamdaman nya para sa saakin. Ayaw nya lang din masaktan ako. But we can't do anything to that. Dane's uncontrollable.

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan.  Hindi pwedeng hayaan ang sarili ko magmukmok sa kalungkutan. About Dane, hindi ko alan kung umuwi ba siya o hindi.

"We missed you Aliana!"

"Bakit nakasimangot agad? Umagang umaga sister!"

Salubong nila Gina at Keila saakin. I tried to give my fake smile.

"May problem lang uli sa bahay" I lied.

"Grabe, hindi kana nawalan ng problema ha?" anila

Tumango nalamang ako at dumaretso sa table ko. Sir Jared gave some papers to encode and also asked me to give it to Dane after. Ayaw ko man ngunit hindi na ako nakatanggi. Baka lamang magtaka sila kung umayaw man ako.

"Lunch time na! Grabe, kalahati palang ng araw ay pagod na pagod ba agad ako. Today will be a long tiring day" ani Gina.

Alot of works were also tasked to them. Masyadong busy ang kumpanya ni Dane dahil sa bagong projects nito. Bumaba na kami at napili nila sa isang restaurant nalang maglunch.

"Breaking news! The famous Saliena Rialca finally came back here in the Philippines pero habang nasa airport palang ang aktres ay nahimatay na ito. Ayon sa ospital kung saan ito dinala ay overfatigue ang rason kung bakit siya nawalan ng malay"

That was the first thing that I heard ng makapasok kami sa loob. Almost everyone in the restaurant are listening to the news.

"Hala! Idol ko panaman yan si Saliena, baka naoverworked nya ang sarili" Keila tila nagaalala habang nakikinig parin sa nagbabalita.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now