Chapter 26

3K 33 2
                                    

Bumalik ako sa opisina at iniwan si William sa ibaba. He can't enter the building since he doesn't have ID or kahit appointment man kahit kanino na nasa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko napuno ng takot at kaba ang aking puso. I tried to call our family driver to get me here. Hindi ko ata kakayaning mag-drive ng kotse dahil baka mapahamak lamang ako.

"Maam Vegas, andito napo yung sundo nyo ata" ani ng guard na nasa tabi ko. Nakaupo lang ako sa tabi nito habang iniintay si manong. He was my personal driver simula ng bata palang ako.

"Okay, thanks po"

Lumabas nako at nakita ko ang black montero namin. I sat on the back seat. Iniwan ko ang sasakyan ko sa may parkinglot dahil at baka sumabay nalang ako kay Dane tomorrow.

"Maam, may nangyari po ba? Nag-aalala si sir Ricardo dahil nagpasundo daw po kayo" aniya.

"Ah...Wala po manong. Nag-commute lang kasi ako pumunta dito at may meeting pa si Dane" I lied.

"Ah ganun po ba? Sige po sabihin ko nalang kay sir upang hindi na ito mag-alala pa"

Tahimik lang ang naging buong byahe. I was thinking about William. Bakit pa siya nagpakita? Kung kelan maayos na at tahimik ang buhay ko, Maayos narin kami ni Dane. Natatakot ako na baka sirain nyo muli kung ano man ang meron samin ni Dane. What if ayain ko si Dane na mag-ibang bansa muna kami para makaiwas at hindi sila magkita? Papayag kaya ito?

"Maam andito napo tayo" ani ni Manong. Hindi ko namalayan na andito na pala kami dahil sa lalim ng mga iniisip ko.

"Salamat po uli" I thanked him at lumabas na.

Dumaretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit saka pumunta sa kwarto ni Dane. He decided na sa iisang kwarto nalang daw kami matulog which is his room. Namuo ang ngiti sa aking labi, am I dreaming? Tabi na talaga kami araw-araw matulog? Napalitan ng kasiyahan ang aking nararamdaman.

Somone knocked kaya pinagbuksan ko ito.

"Oh Aliana, hinahanap kita sa silid mo andito ka pala sa kwarto ni Dane" salubong ni manang.

"Ah manang....Dane decided po kasi na we should together napo" I happily told her. Nang marinig nya ang pahayag ko ay nakita kong masaya rin siya para saakin.

"Talaga ba iha?" Masayang tanong niya. I nod and she hugged me.

"Nagkakaroon na kayo ng improvement dalawa. Masaya ako para sa inyo sana ay magpatuloy pa ito" she said at tila naiiyak pa ito. Bumaba na ako kasama nila at sinubukang ikwento ang nangyari sa confession ni Dane saakin.

They are like my friends and also I feel like I should tell them about it. They know kay pain simula palamang at sila din ang kasama sa mga araw nayon. I can feel that they are genuinely happy for me. After ko kumain ay umakyat na muli akomat nagpahinga. Sila manang nalang daw ang mag-aayos ng mga gamit ko at ililipat dito bukas.

Nagising ako sa kiliti nararamdam sa may bandang leeg ko, it was Dane. Ang kanyang ilong ay nasa may bandang leeg ko at nakasiksik siya habang nakayakap sa akin. At first, I was shocked with our position at bakit ako narito sa tabi niya pero ng marealize ko ay humiga na muli ako at niyakap ko pa siya lalo. It feels like a dream. Grabe, nagising ako na katabi ko ang lalaking pinapangarap ko feels surreal. Makikita ko bawat araw at umaga si Dane, I feel so blessed. Tila napawi lahat ng alalahanin ko tuwing kasama at nakikita ko siya.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now