Chapter 33

3.4K 52 7
                                    

"So ilang araw ba ang balak mo magtago sa asawa mo?" saad ni Anjenica habang iniinom ang kanyang watermelon shake.

We're here in Tagaytay right now. Kahapon ay nasa isang beach kami sa Batangas at ngayon dito ko naisipang pumunta upang makita ang Taal Volcano. I really love how peaceful the view is. Nakakawala ng stress at nakakapagpagaan ng loob.

"Hindi pa ako handa. I still need time..." sagot ko at itinuon ang pansin sa aking guyabano shake. I can feel the empty space inside of my heart. May kulang and I know what is it, My Dane. I miss him so much pero kailangan ko muna ng pahinga mula sa drama ng buhay ko.

Ilang araw narin akong umiiwas at nagtatago kay Dane. I don't want to face him yet dahil alam kong magmamakaawa ako sakanya na akong piliin niya na hindi ko muna napagbigyan ang sarili kong magisip ng tama. Lagi siyang napunta sa bahay pero lagi ko sinasabi kela manang na sabihin nilang wala ako doon hanggang maging gasgas na ang rason na iyon kaya I tried to go out of town with Anjenica. Pero kahapon nasundan niya nanaman kami kaya lumipat agad kami ng hotel and tried to rent a car para hindi niya na kami masundan, sana hindi na nga. Anim na araw na ang nakalipas simula noon pero hanggang ngayon naduduwag parin akong harapin siya. Kaya ko ba pakinggan ang lahat? Bakit ba gusto niya ako kausapin? Does he want to file an annulment? Did he just lie to me when he said he loves me?

Tila nawawasak sa gitna ang aking puso sa naiisip. I tried to shake my head upang mawaglit ang naiisip. Stop it, Aliana! You are here to rest not to stress out yourself again.

"We've been traveling in different places pero lagi tayo natutunton ng asawa mo but you are still not ready. Be thankful that I love you, hmp. I should be in Thailand with my crush right now roaming that wonderful place around pero andito ako tila nakikipaghide and seek din kay Dane" Kunwaring seryosong saad ni Anjenica.

Her cousins set her to have a date with her French model crush to have a date in Thailand pero dahil kailangan ko siya, siya na mismo nag-cancel non. She was just lying, gusto niya lang ay komprontahin ko na si Dane pero she respects me, hindi niya man sinasabi ng diretso but I can feel it. Almost everyone around me is insisting to hear Dane's side first pero natatakot ako, natatakot parin ako kung ano nga talaga ang totoo. Ganon naman talaga diba? Kung ano pa ang totoo ayon pa ang kinatatakutan natin.

"Zia, I'll help the baker to make Choco moist cake, ha? Assist the cashiers and some staffs" I told to the one of the managers of my bakeshop. Actually she's from the Manila branch but brought her with me. I'm here in Vigan right now, two weeks na ang nakalipas pero hindi parin akong handa harapin si Dane so I went here in my newly opened shop. Sinama ko si Zia dito upang may katulong ako sa pagaassist ng mga bagong tauhan. She is my most trusted employee.

"Sure maam, grabe po kakabukas lang naten pero full pack agad!" Masiglang sabi niya at nilibot pa ang kanyang mata sa paligid. Marami nga ang tao at may meron pang nagiintay sa labas kahit na may chairs and table rin doon, puno na. Some people are standing while waiting.

Tumango lang ako at dumaretso na sa baking area. I have 3 main bakers bawat shop, since I love baking natulong ako sakanila and ask things to learn too kaya nagiging masaya ako sa oras na aking ginugugol dito. As I was helping inside the baking room, Zia went inside at nagmamadali akong nilapitan.

"Maam! Si sir Dane po andito"

Tila tumigil ang aking mundo sa narinig. What? Nasundan nya ako dito? I didn't tell my parents that I'm going here in Vigan because I know they will tell it to Dane. Sila ang may dahilan kung bakit ako natatrack ni Dane noong mga nakaraang araw, sinasabi nila at ang rason daw nila ay gusto nila ako maging maayos at magkabati na kami. Hays, I can't even trust parents now but I know they only want good things for me and they know he's my happiness that's why they are doing this.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now