Chapter 22

3.2K 53 5
                                    

Tahimik lang ako sa buong byahe namin. Nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsilip niya sa pwesto ko.

I started to feel annoyed. He kissed me and what would happen next? Mawawala nanaman siya at pupunta kay Saliena? Every good things na may nangyayari between us pagkatapos non ay masasaktan nanaman ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil mas tumataas ang pag-asa ko dahil sa mixed signals na pinapakita ni Dane. Bakit siya nagsorry? He wasn't like that before. Wala siyang paki kung nagagalit man o nasasaktan niya ako.

"Dane! Aliana! Ginabi na kayo teka, bakit namamaga mata mo hija?" Nag-aalalang tanong ni manang at lumapit sakin habang nakatingin ng masama kay Dane.

"O..okay lang po ako" sabi ko.

"Matulog kana manang, gabi na and akyat na po kami" Ani Dane at hinala nako paakyat but this is gentle. Bumilis ang tibok ng puso ko, I feel like crazy.  Kanina ay grabe ako makaiyak pero ngayon ay kinikilig nako at nasisiyahan sa nangyayari.

He opened my room's door at pumasok narin.

"Change your clothes and I'll change mine" utos nya at tumango nalang ako. I heard the door opened ng nasa banyo na ako, siguro ay bumalik na sa kwarto niya.

Nakahiga na ako pero nakatulala parin sa kawalan, pinagdadasal na sana maging maayos parin bukas. Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto at si Dane iyon.

"Are you still awake?" He asked pero dire-diretsong pumasok at umupo sa may pwesto ko. Umupo narin ako upang magkapantay kami. He looked at me pero umiwas ako dahil feeling ko anytime sasabog ang puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Please don't be mad at me anymore, Pinuntahan ko lang si Lien dahil ako ang unang tinext niya and she needs to be admitted in the hospital for few days. Her parents are abroad, walang pupunta para sakanya" seryosong sabi niya at tila tinimbang ang magiging reaksyon ko.

"O..okay lang" halos pabulong ko ng sagot. Hindi ko alam ang dapat isagot.

"You should sleep now it's already late" he said at inakay pako sa paghiga.

Is it really happening? Bakit he's so gentle? Bakit hindi niya ako sinisigawan? Bakit concern siya sa akin? Bakit siya nagpapaliwanag? Kung panaginip lang to ay ayaw ko ng magising pa!

"Dane, I'm sorry about the bar earlier" Tukoy ko sa nangyari sa amin ni Alex.

I shouldn't have done that! Kahit na lasing ako ay dapat hindi ko parin hinayaan na muntikan nako halikan ni Alex. Maling mali ang ginawa ko. Dulot narin siguro iyon ng alak. Nanigas ang kanyang ekspresyon.

"He was about to ki—"

"Look we were both drunk, Dane. I said I'm sorry, mali ko rin naman please don't blame Alex" nakita ko lalong naiinis siya sa eksplenasyon ko.

"Do you like that guy?" Galit na tanong nito. Seriously?

"I love you, remember? Why would I like him? Im married already" sabi ko at napangiti. Natatawa ako ng narealize ko ang pwesto namin. Para kaming magtatay na pinapatulog ang anak niya. Umiwas siya ng tingin at halatang apektado sa sinabi ko. Cute.

"You..you should sleep now" sabi niya at nilagyan pa ako ng kumot. May ikasasaya paba tong gabing to? Worth it ang ilang araw naming hindi pagkikita!

Ilang minuto na ang nakalipas ay nakapikit na ko, I pretented to be asleep para lang hindi na magalit si Dane. I felt a warm kiss on forehead before he left my room. Napadilat ako at napatulala sa kawalan habang hawak ang noo ko.

"Ang ganda ng gising naten maam ah!" Bungad sakin ni Janella pagkababa ko sa dining area. I am smiling but this time, the real one. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil hindi ako mapakali sa ginawa ni Dane. I want to knock on his door and ask him why is he acting so strange, hmp.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now