Chapter 15

3.4K 51 1
                                    

Pagkatapos ng pangyayari sa dance floor ay hinila na ako paalis ni Dane doon.

"Wait... I'm gonna pee first" Paalam ko, kanina pa kasi akong ihing-ihi dulot siguro ng alak na nainom ko. Im also tipsy kaya hindi na diretso ang paraan paglakad ko.

"Okay. I'll wait you here" Walang ganang sagot nito. He looks so tired dahil siguro sa byahe nya sa eroplano. Bakit ba kasi andito siya? At Paano niya nalaman na andito ako?

Umalis na ako and I saw him ordered another glass of gentleman jack. Habang naglalakad ako papuntang restroom ay nakita ko ang lalaking gustong halikan ako kanina. Wait? Bakit may pasa siya sa gilid ng labi niya? Kanina ay wala pa iyon ah?

"Hey, are you okay?" I asked him. Kahit na binastos niya ako kanina ay naawa parin ako sakanya.

He looked at me at nakita kong natakot ito. Hindi niya ako kinausap at agad na lumayo saakin. He's weird. Ako na nga nag-aalala sakanya siya pa may ganang hindi mamansin. Pinabayaan ko nalang ito at dumaretso na sa pupuntahan ko.

After I peed, Binalikan ko na si Dane. He's alone in the couch with a glass of alcohol in his hand. He looks like a model there na naeendorso ng alak! I want to take picture of him ng biglang magawi ang tingin nito sa pwesto ko. Dali-dali kong itinago ang cellphone ko. Umupo na ako sa tabi niya. He's not talking to me and cold. Ang bilis talaga ng moodswings ni Dane, daig pa ako kapag may monthly period, psh.

"Ba...bakit ka andito? You are surely tired from the business trip" I said and moved closer to him para makita ko ang mukha niya. Bakit ba napakaperpekto nito?

I suddenly feel insecure towards my husband. High pointed nose, sharp jawline, perfect brows, and pinkish lips that I wanted to kiss. He doesn't put anything on his face pero bakit ganon? Walang pores daig pa ako.

"I should be the one who's asking you that. Why are you here? It's already 12am and you are here partying?! Hindi mona naisip si manang na naghihintay sayo sa bahay. She must be worried!" Tila pinapagalitan na ako nito. Wala akong nagawa kundi iyuko ang aking ulo at tanggapin nalang mga susunod na masasakit na salitang bibitawan niya.

Magso-sorry na sana ako sakanya ng biglang nagring ang aking cellphone.

Gina calling...

Oh my gosh! I almost forgot who I am with! Im with Dane, kapag nakita nilang kasama ko si Dane ay mabubuking na nila ang itinatago ko. I know these two will just keep our secret na tago pero magagalit si Dane kung may makaalam na iba.

"Who's that?" Dane asked.

"My co-workers in the office" I said.

"Answer it" Sabi niya. Maybe he's getting annoyed pero hindi ko magawang sagutin.

Ano ng gagawin ko? Gina didn't stop calling me. Nanlaki ang mata ko ng makita sila Gina at Keila na malapit na pwesto namin na tila may hinahanap at mukha nag-aalala. Hinila ko agad si Dane patayo

"What are you doing?!" Tanong niya habang hinihila ko siya palabas. Ang hirap niya hilain dahil mas malaki ito saakin at matangkad.

Alam kong magagalit ito sa pinaggagawa ko pero mamaya ko nalang haharapin ang galit na yon. Ang mahalaga ay hindi kami makita ni Dane na magkasama dahil mabubuking talaga kami. Nakarating na kami ng parking lot at pinuntahan ang sasakyan niya. Gina's calling again. Sinagot ko na ito at nagsign pa ako kay Dane na quiet lang siya i hope na sana makinig siya. He's looking at me sharply. Umiwas naman ako ng tingin dahil ko kayang makipagtitigan sakanya. Nakakapangubos ng energy.

"Hello Gina?"

"Hey Aliana! Where are you? Kanina kapa namin hinahanap ni Keila. Nag-aalala na kami sayo" sabi ni Gina na rinig ko ang music sa loob ng bar. Andun parin sila loob, We're safe.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon