Chapter 6

3K 46 0
                                    

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Bakit ganon? Pag masaya ka ay maya-maya masasaktan kananaman? I'm here sitting with his friends while Dane is talking with one of his exes, Si Vina.

Kala ko magtutuloy tuloy na ang kasiyahang nadama ko kanina biglang napawi lahat iyon ng dumating yang babaeng yan! Bigla nalang hinigit si Dane sa table namin at sumunod naman siya! Gusto ko siyang pigilan pero who am I to stop him? I'm just a desperate wife for him. He'll never listen to me.

"Are you okay?" I can feel the sincerity when Vin asked me. He's worried.

I nodded. Wala akong magagawa kung hindi maging okay, diba? Lagi nalang okay kahit hindi. I even tried to smile just to show them na I'm really okay.

"Walang kwenta talaga yang asawa mo Yana! Lalandi nangalang ng ibang babae sa harap mo pa? Naten?!" Galit na sabi ni Anjenica. Mas affected pa ata sakin ang kaibigan ko.

Lahat kami sa table ay nakatingin lang kela Dane and Vina na naguusap. She's touching my husband. Parang tinatarak ang puso ko sa eksena ngayon pero wala akong magawa para pigilan yon kundi umupo at pigilan ang sarili kong wag tignan upang maiwasan ang sakit na naibibigay nito saakin.

Katahimikan lang ang bumalot sa buong mesa. Sinubukan ding pigilan nila Jako si Dane pero Dane being Dane hindi nagpapigil. Lagi niyang ginawa kung ano ang kanyang maibigan.

"I'm done here" walang sa mood na ani Vin at nag-walkout.

Medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko dahil alam kong hindi lang ako nagiisa, im with my friends and also Dane's friends na nagtatry pagaanin ang loob ko. They always comfort me.

"Makawalk-out si Vin kala mo siya ang asawa eh" pabiro ni Dave para mabawasan ang bigat na nararamdaman namin ngunit si Anjenica naman ngayon ang nagwalk-out! Alam kong inis na inis na siya at pinipigilan niya lang sugurin si Dane dahil alam niyang magagalit ako.

My bestfriend only wants the best things for me. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya nagagalit sa pinagagawa ko but she knows no one can stop me from doing this.

"Lets go Yana. Iwan mo na si Dane dito. Susunod naman na siguro yan sa room niyo after nila magusap" ani ni Aly. Nakatulog narin kasi si Kierra na buhat ni Jako.

"Hindi na, intayin ko nalang siya. Walang kasama si Dane pagumalis narin ako" nagaalala lang naman ako dahil baka magalit si Dane at wala ng tao sa table namin kapag bumalik na siya.

"Dakilang martyr kana sis! Oh siya tulog na si Kierra kaya di kita masasamahan. Please Yana wag ka masyadong maging stupid sa pag-ibig hindi nakakaganda lalo na dyan sa nakakalokang Dane na yan!" Aniya at niyakap ako bago umalis.

Naghintay ako ng halos isang oras kay Dane bago siya bumalik sa table. Nakita ko pa na hinalikan siya ni Vina na halos malapit na sa kanyang labi ngunit binaliwala ko nalamang iyon. Wala rin naman akong magagawa dahil nangyari na.

"Where are they?" He asked like nothing happened.

"n...na...nauna na kasi medyo natagalan ka ata makipagusap sa kaibigan mo" nararamdaman ko ng namumuo ang aking mga luha. Ano bang tearglands nato? Kelan ba titigil sa paggawa ng luha?

"She's Vina, my ex and I want her back. Ayokong makarating kay mommy and daddy ang nangyayari saatin. Do you understand?!" Ani niya akala mo ay normal na bagay lang pinaguusapan namin.

He wants her back? May sasakit paba sa mga salitang yan?

"O..o naman" I said and I'm doing my best para pigilan sa pagtulo ang luha ko.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now