Chapter 18

3.3K 48 0
                                    


(Note: haven't been proofread-ed yet. There are some possible errors. Happy reading and Godbless!)

"Goodjob Ms. Laureta! The sales here in Laguna is the highest one" puri ko sa manager ng bakeshop ko sa Laguna Branch.

Today is my day-off sa office ni Dane. I drove myself here in Laguna para bisitahin ito. Keila and Gina texted me to eat lunch with them dahil antagal na naming hindi nagkikita. Hindi naman sila pwedeng pumunta sa opisina ni Dane basta basta at hindi rin ako makababa sa Marketing Department upang kamustahin sila ng personal. They told me that they missed me. Miss ko narin ang dalawang iyon.

Dane and I didn't talk that much after that night happened. Naging sobrang busy kasi muli sa office. Nakakapagusap lang kami kapag nagtatanong siya sa schedule nya at hindi narin kami nakakapaglunch dahil lagi siyang may meeting sa mga restaurant. Dalawang araw ang ibinigay sakin ni Dane bilang day-off ko. May business trip kaming pupuntahan sa Cebu. Ako ang isasama niya dahil wala parin si Aldrin.

I opened my laptop to check the other branches. Hanggang maghapon ay hindi ako tinigilan sa text ni Gina ay inaya niya ako mag-dinner. May gusto daw kasi itong ikwento. I think wala naman na akong gagawin mamayang gabi kaya pumayag na ako. I texted Dane and Cheska na hindi ako makakapagdinner sa bahay. I texted him just to inform him kahit wala naman itong paki sa ginagawa ko.

I smiled sadly. Mas lalong lumalakas ang pag-asa kong maayos ng lahat sa mga inaakto ni Dane these past few days. He's showing mixed emotions and actions. I can wait kahit ilang taon pa. Nang matapos na gawain ko sa bakeshop ay itinext ko na si Gina na papunta na ako sa restaurant na sinabi niya. I left my car sa isang restaurant malapit sa pupuntahan namin. I'll just tell them na nag-grab ako. Nakita ko agad sila pag-pasok ko. Sinalubong nila ako ng yakap. Hindi man kami naging magkaibigan ng matagal ng panahon pero sobrang close na namin ang isa't-isa at komportable na kami. I want them to meet my bestfriends soon.

"So ayun nga, laging badtrip si sir Jared dahil hindi kana nakikita! May napapagalitan tuloy lagi sa office" patuloy niya sa kwento.

Nagtanong daw si sir Jared kung asan ako at hindi napasok. Nang malaman nitong ako muna ang pumalit kay Aldrin ay nag-init daw agad ang ulo, nagseselos daw. Well assume he's not, masyado lang pinaniniwala nila Gina ang sarili nilang may gusto si Sir Jared saakin. Pati rin raw si Astrid ay nagagalit. Bakit ako pa daw ang napili at hindi siya. Mabuti nga at hindi siya hmp.

"Miss na miss kana namin don! Wala na kaming makausap ni Gina. Nagsasawa na akong laging siya ang kasama ko" pabirong ani ni Keila.

"Kala mo naman gusto kita kasama" sabat naman ni Gina at nagtawanan naman kami.

We enjoyed eating dahil ito daw paborito nilang kainan.

"Sir Dane ba iyon?" Turo ni Gina sa isang direksyon. Lumingon agad ako at nakumpirma kong si Dane nga ito.

He's with someone....si Vina. Wala pang ilang minuto ay naramdaman ko agad ang pangingilid ng luha ko. Don't show your weak side, Aliana. Baka business meeting lang.

"Ay oo nga! Nagkabalikan na kaya sila?" Tanong ni Keila.

Hindi ako makapagsalita. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila.

"Bagay na bagay talaga sila!" Gina dreamily said.

Parang binibiyak ang puso ko sa naririnig. I want to stop them pero hindi ko magawa magdudulot lang ito ng pagtataka sakanila.

"Pa..paano nyo siya nakilala?" Tanong ko as i tried to sound fine.

"Lagi kaya silang nababalita sa TV. Model and businesswoman kasi si Maam Vina and as far as i can remember they've been together for about 4 years? Pero nagbreak kasi nagrumor na ikakasal daw si Sir Dane sa ibang babae. Pati ako ay nalungkot sa balitang iyon pero mukha hindi naman totoo at tignan mo, parang nagkabalikan pa sila" Masiglang kwento ni Gina sapagkat ako ay nasasaktan.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now