Chapter 12

2.7K 51 1
                                    

"Hoy ano yong kanina Aliana? Bakit may paghigit si sir sayo? Are you two couple?" Nasabi ni Gina ang mga tanong na nais niyang sabihin kanina ngunit ngayon lang siya nakuha ng chance na matanong ito dahil umalis na si Sir Jared. May meeting daw kasi ang mga managers ng bawat department.

"Wa..wala yon! He's just showing co-workers' care" ani ko dahil wala naman akong ideya sa mga inakto ng manager namin.

"Weh? Baka ikaw ang girlfriend ni sir ha?" Singit naman ni Keila.

"Ano ba guys first day palang ng trabaho ko boyfriend ko na agad si sir? Tsaka imposibleng magustuhan ako nun" palusot ko naman. Gusto ko sanang sabihin sakanila na may asawa na ako ngunit alam kong hindi nila tatantanan ng mga tanong.

"Ano impossible don Aliana? You are beautiful! Ikaw ata ang pinakamaganda sa buong department natin. Nakita mo ba ang mga tingin sayo ng lalaking employees kanina? They were drooling over you! For sure, inggit nanaman si Astrid" ani ni Gina. Hindi ko ba alam kung binobila ba niya o ano sa mga pinagsasabi niya.

Ang Astrid na sinasabi niya ay isa sa mga kasama namin sa office, ayon ang nakita kong masama tumingin kanina ng dumaan kami sakanila.

"Pabayaan mo na nga si Astrid, Gina" pananaway ni Keila.

"Hmp, sinasabi ko lang naman ang totoo, anyways, mabalik tayo kay sir Jared. Feeling ko ay gusto ko non! Look how he acts! Napakacaring at alam mo ba napakswerte mo Aliana! Crush na crush ko yon si sir since day one ng pagpasok ko ng kumpanya. Bagay-bagay kayo" madaldal talaga si Gina ngunit hindi naman nakakairita iyon.

Gusto ko sana siya patahimikin at aminin nalang ang totoo ngunit pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil napakaramimg consequences ang mangyayari kung magpapadalos dalos ako. I should be careful. Ayaw ni Dane na malaman ng lahat ang kung ano meron samin.

Nagpatuloy pa sa pang-aasar si Keila at Gina saakin pati kay sir Jared pero tinatawanan ko nalang. Wala akong naramdaman kahit ano kundi awkwardness lang tuwing magkasama kami ni sir Jared. Hindi ko kayang madivert ang atensyon ko sa ibang lalaki. Si Dane lang ang may kayang pakiligin ako at pasayahin kahit na walang ginagawa. Im whipped, yes.

"Miss Vegas, ka bago bago mo palang pero nagpapalate ka agad. Mukhang naenjoy nyo ata ang paglalunch huh? Please encode these, now! I need that tomorrow morning so finish it today. If you need to overtime time para matapos yan then do it!" Bungad agad samin ni Astrid ng makababa kami ng elevator. I looked at my wristwatch at shocks! We are one hour late!

"Astrid ang dami naman ata niya! Isa lang si Aliana and she's new here, papaovertime-in mo agad?!" Sabat ni Gina. Sobrang dami ng pinapagawa niya! Isang karton iyon at kung iisipin ko palang ay sa tingin ko ay hindi ko kaya.

"Excuse me, Gina? Im assistant manager here kaya kung sino gusto kong utusan ay uutusan ko. It is her punishment since day one niya palang ay lakwatsera na. I can't wait to see her being fired by our CEO" sabi niya at iniwan na kami.

This is my first time being scolded by my 'senior' or should i say one of the big bosses here in our department. Gusto kong siyang sagutin at ipagtanggol ang sarili pero pinigilan ko nalang. Baka makarating pa ito kay Dane at ako pa ang mapagalitan. Binuhat ko na ang karton na may lamang ilang dosenang papel na i-eencode ko. Kailangan ko nga ata talaga mag overtime sa sobrang dami. What a lucky first day of work you have Aliana Vegas Samaniego!

8:30 na ng gabi ay nakakalahati ko palang ang karton. Ang sakit na ng likod at bewang ko. Keila and Gina are helping me to finish these dahil tapos na sila sa gawain nila. Buti nalang ay nandito sila dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay 1/4 palang ang nagagawa ko.

"Oh! Why are you still here Aliana?" Napatingin ako sa nagsasalita. Si Sir Jared.

"Im finishing these papers sir. Overtime po" magalang na sabi ko at ibinalik ang tuon sa mga papel.

The Unwanted WifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz