Chapter 23

3.2K 51 9
                                    

Dane and I are here in the mall, ngayon nalang namin bibilin ang bag na gusto ko. Hindi kasi kami natuloy kahapon dahil nung nasa sasakyan na kami ay bigla nagkaroon ng meeting si Mr. Sy. It was urgent dahil aalis daw ito ng bansa kaya nagdinner nalang kami at dumaretso na siya sa meeting samantalang ako ay umuwi.

"Goodafternoon maam" bati samin ng isa sa mga store staff.

Napansin ko ang pagiging agaw atensyon ng nasa tabi ko. Almost everyone in the store is looking shamelessly at him. Napasimangot tuloy ako, bakit ba hindi nahihiya tong mga to kung makatitig kay Dane? Hmp.

"Why are you grumpy?" He asked pero nakangiti ito na tila natutuwa sa atensyong natatanggap. Lalo tuloy ako nainis.

Inirapan ko siya at nauna na maglakad para makapunta sa pwesto ng bagong labas na bag collection ng Hermes.

"Hey" natatawang habol nito saakin at hinila pa ang kamay ko. Natunaw ang inis na nararamdaman ko kanina. Ano bayan Aliana napakarupok ha!

Habang napili ako ng bag ay nakaupo lang si Dane sa gilid. He was watching the whole time medyo na nahihiya tuloy ako dahil hindi ko alam kung gusto niya bang matapos na agad ako sa pamimili dahil may gagawin pa ito o ano. I chose the maroon colored bag dahil nagustuhan ko ang kulay nito.

"What do you think?" I asked Dane and showed the bag.

"Beautiful" Aniya pero nakatitig habang nakangisi saakin. Maganda ba yung bag o ako? Naiilang tuloy ako.

"Okay, I'll get that"

"Okay maam"

"What else do you want?" Dane asked me na parang kulang pa ang bag na binili.

Umiling nalang ako.

"That's enough" I said.

This bag's price isn't a joke. Yes, we are rich pero hindi ko kayang gastusin ang pera na pinaghirapan ng magulang sa luho ko. My parents spoiled pero they taught me to be contented and also, I want to buy things like these na gamit ang sarili kong pera yung pinaghirapan ko hindi mula sa kumpanya nila Dad since luho ko naman ang mga ito. I have savings naman at masasabi kong mabubuhay na ako doon kahit hindi na ako magtrabaho. Nakaipon ako noong nagmodel ako sa France and Italy pati na sa bakeshop ko.

Dumaretso na kami sa cashier at may nakapili pa rito, dalawang babae. I saw them looking at him at nagpapacute. Psh.

"Diba siya si Dane Samaniego? Omygosh, antagal ko ng gustong makita yan sa personal dahil puro televison o magazine lang pero ngayon harap harapan na" Tila kinikilig ito at di manlang ako napansin na kasama ng lalaking pinaguusapan nila.

Tinapunan ko sila ng matatalim na titig ang mga ito ng masama hanggang makapunta na sa exit.

"Oh hi sir Dane! With miss Saliena again?"

Napalingon ang sa sinabi ng cashier. Nauna na pala si Dane saakin dahil naiwan ako don na tinitignan ang mga babae. She knows Dane and Saliena, maybe they are regular customer here. Naramdaman ko ang ang paninikip ng aking dibdib sa narinig.

"No, I'm with her" Malamig na sagot ni Dane at humarap na saakin. Napawi tuloy ang ngiti ng cashier kanina na parang pinagsisihan niya ang kanyang mga sinasabi.

I was about to give my card pero naunahan na ako ni Dane.

"No, I'll pay for that" pagpupumilit ko.

"I paid for it already" sagot naman ni Dane. Seryoso itong nakatitig saakin at parang mali na pinaglalaban ko pang babayaran ko ito.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now