Chapter 24

3.4K 55 20
                                    

"Make sure you finish these today" Utos ni Astrid bago iniwan ang pwesto namin.

"Kainis! Tayo nanaman pinagiinitan nitong babaeng to" Keila.

Tig-iisang box kasi ang binigay nitong papeles samin ngayon araw. Napabuntong hininga nalang ako sa sandamukal na gagawin. Kung nasa office lang ako ng coffeeshop ko ngayon ay hindi siguro ako ma-stress ng ganito pero okay lang dahil masaya naman akong sa trabaho ko, may bagong kaibigan at mas nakatulong nga ito para sa relasyon namin ni Dane.

"Nangigil na talaga ako dyan ha!" Pabulong na rant pa ni Gina.

Natawa nalang kami at napairap sa kawalan. Sinimulan ko ng gawin ang aking trabaho. Mas lalong naging busy kumpanya ni Dane dahil ilang araw nalang at magbubukas na ang panibagong hotel nila sa Laguna.

"Miss Vegas, pinapatawag po kayo ni Sir Dane" natigil ako sa trabaho ng lumapit si Aldrin.

"Okay, Saglit lang at susunod ako" I said at umalis na ito. I finished my 55th paper before going up to Dane's office.

I knocked before going in.

"Why? May iuutos kaba?" I asked at nakita kong busy siya sa mga binabasang papel.

"None" aniya at tumingin.

"None? Then why?"

"I..I just missed you" sagot nya at umiwas ng tingin.

Nararamdaman ko nanaman ang nga paro-paro sa aking tiyan. Hindi mapigilan ang ngiting lumapit sakanya.

"I missed you too" I kissed his lips at tumakbo ako pabalik sa may upuan sa harap ng table niya. Gusto ko magtago sa hiya dahil sa ginawa.

"this woman" natatawang sambit niya.

Kahit na sa iisang bahay man kami nakatira ay hindi parin kami masyadong nagkakatagpo dahil kung minsan ay nagoovertime ako o kung minsan ay siya naman. May araw ding maaga siya naalis dahil nga sobrang busy. Nagkikita lang kami dito sa opisina at kapag naglalunch kami together. He looked at his wristwatch.

"Lunch?" Anyaya niya. I want to say 'yes' but...

"Maglalunch kami ni Anjenica" malungkot na saad ko.

Anjenica wants to meet me dahil may problema daw sila ng parents niya. She wants someone to talk to.

"That's okay. We'll have lunch together next time" Aniya

Nag-usap lang kami saglit. Tinanong nya kung okay lang daw ba ako sa position ko sa trabaho at kung pinapahirapan daw ba ako ng mas mataas saakin katulad ni Astrid. Gusto ko man sabihin sakanya ang tungkol doon but I don't want to be childish. Natural lang trabaho ang mga pangyayaring ganon kaya ang sabi ko nalang ay okay lang ako at masaya ako sa mga katrabaho ko. Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik na ako sa department namin ng maalala ko ang sandamakmak na gawaing iniwan ko.

I was driving my car papunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Anjenica ng makita ang isang billboard ni Saliena. She's the new ambassadress of one of the famous clothing lines here in the Philippines. To be honest, she's really pretty, tall, smart, and they say, kind. No doubt kung bakit nagustuhan nga ito ni Dane. She has it all.

Nilibang ko nalang ang sarili para maiwasan ang mga bagay na tungkol kay Saliena dahil nagsisimula nanaman akong kainin ng insekuridad.

"Are you okay?" Lumapit ako kay Anjenica pagkakita she looks down today. Hindi ako sanay dahil lagi itong jolly.

"Mom wants me to migrate in London" naiiyak na saad niya.

Nagulat ako sa naging desisyon ni tita. What? London? Why? Simula bata palang kami ay ayaw ni Anjenica tumira sa ibang bansa. Nasanay na siya dito at wala raw ako at ang iba pa naming kaibigan roon kaya lalo siyang malukungkot. Kahit ako ay isipin kong aalis si Anjenica ay lubos na kalungkutan na agad ang aking nararamdaman.

The Unwanted WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora