Chapter 5

3.2K 58 2
                                    

Nagising ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng master bedroom. Iniluwa non si Dane na halatang bagong gising din.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dito sa sala, nanuod kasi ako sa netflix habang si Dane ay gumagawa nanaman ng trabaho nya sa laptop kaya lumabas nalang ako sa kwarto pagkatapos ko maligo upang hindi makaabala sakanya.

"Are you hungry?" Salubong na tanong ni Dane saakin. Napasilip tuloy ako sa orasan sa pader.

3:45pm na pala at hindi kami nakapaglunch!

"Do you want me to order something? Dito nalang tayo kumain" I suggested.

Lalabas din naman kasi kami mamaya papuntang restaurant for dinner. Mas gusto ko nalang sana umorder sa baba at ipahatid dito sa kwarto dahil alam kong pagod parin si Dane mula sa ginawa nya.

"Okay, I want seafoods" Dane said and walked back to the bedroom. Ipagpapatuloy nanaman siguro ang ginagawa nya.

I want to stop him from working pero ayaw nyang pinapakialaman ko siya. Ayaw kong mag-away kami dahil doon.

I ordered seafoods because it was Dane's request. We only waited 15 minutes for our foods to be delivered in our room. Pinapasok ko iyon sa may bandang kitchen.

"Maam, is your order complete po?" The staff kindly asked.

Tinignan ko isa isa kung tama ba ang inorder ko na seafoods na mga paborito ni Dane.

"yes, thank you" I said and smiled to that cute staff. Mukhang kaedad ko lang siya at actually hindi siya mukha staff ng hotel. He could be a model! Ang pogi at sakto lang ang laki ng katawan.

"You are welcome maam" ani niya at pinamulahan ng pisngi. Cute!

Napatawa lang ako ng mahina ng maramdaman kong nasa paligid lang si Dane.

"send that man off so we could finally eat" nagulat ako ng biglang nagsalita si Dane sa gilid.

Napakarude ng pagakakasabi niya! Nakakahiya sa lalaki. Ngumiti na ako sa lalaki at hinatid nalang siya hanggang pintuan para hindi masyadong bastos ang pakikitungo namin sakanya despite of what Dane have done.

"Will you stop flirting? We are here to rest not to flirt" masungit na saad niya. He's always masungit walang bago.

"Im not flirting Dane! I just thanked him, anong flirting don?" Tanggol ko naman sa sarili ko.

"Don't deny you're obviously flirting with that guy! You are annoying me even more" umupo na si Dane sa harap ng hapag, nagdasal muna at nakabusangot na kumain.

Ang alam ko si tita ay napakareligious na tao so sinanay niya talaga si Dane magpray before eating. It makes me to fall harder! Nagaaway kami pero heto nanaman ako namamangha sa mga ugali na mayroon si Dane.

Sumunod nalang ako at kumain narin. Panaka-naka akong nagnanakaw ng sulyap sakanya. Im so happy to be married with him. I know one day matuto din siyang tanggapin ako at mahalin.

Nang mag 4:30 na ng hapon ay napagdesisyonan naming lahat ng lumabas na to witness the sunset and also to take a quick dip. I wore my pink off-shoulder bikini. Nagshort muna ako sa pang ibaba. Hindi naman malaswa tignan ang suot ko pang conservative type panga ito. Lumabas nako sa may salas upang tignan kung tapos na ba si Dane. He's wearing blue board short and white shirt. He looks good and clean. Napakagwapo talaga ng asawa ko! Tinago ko ang ngiti sa aking labi upag hindi niya nalang mahalata.

"Anjenica texted me, nasa baba na daw silang lahat" ani ko

"I'm done. lets go" Dane said at lumabas na kami.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now