Chapter 4

3.1K 46 2
                                    

Pagkapasok ko sa kwarto ni Dane ay puro black and white lang ang nakita kong kulay. Napakasimple at manly ng kwarto nya.

I smelled his scent, kinilig tuloy ako! I feel like a teenager tresspasing her crush's room.

Iniikot ang aking mata sa buong silid. Sa tabi ng kanyang kama ay may mga gamit na pang-office. Sinubukan kong humiga at yakapin ang unan sa kanyang kama. I feel like im hugging him. Ang sarap sa feeling.

"What are you doing?"

Napabalikwas ako sa seryosong boses na ang aking narinig.

"Dane?" ani ko

Nakatulog pala ako sa kwarto nya. Hala! Lagot ako neto ni hindi ko pa naayos ang maleta nya!

"Im asking you, what are you doing here in my room?" Tanong nya at diniinan nya pa ang mga salitang 'my room'

Galit na nga talaga siya! Hindi ko namalayan na napasarap pala ako sa paghiga sa kama nya.

"Sorry Dane I was so tired. Aayusin ko sana yung gamit mo kaso nakatulugan ko. Don't worry, aayusin ko na ngayon" ani ko at dumaretso na sa walk-in closet nya.

Pinabayaan nya naman akong pakiaalam ang gamit nya at dumaretso na sa bathroom.

I can smell his scent all over the place.

Nagfocus na ako sa pagaayos ng gamit ni Dane dahil baka magalit siya kapag hindi ako natapos agad. Ayaw na ayaw nya panaman ako na pumasok dito sa kanyang silid.

Pagkatapos nya maligo ay hindi parin ako tapos sa pagaayos. Hindi ko kasi alam kung anong nagugustuhan nyang suotin sa sobrang dami nyang damit rito.

"Aren't you done yet?" He asked kaya napunta ako tingin ko sakanya.

He's half naked. Nakatapis ng twalya ang kalahati ng katawan nya. Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib sa nakikita ko. Hindi ba siya marunong magbihis muna bago makipag-usap?!

"Uhmm...yes, pero patapos na" matipid ko sagot at mas binilisan ang paggalaw.

Lumabas na siya sa walk-in closet nya at nagbihis na ata.

Naabutan ko siyang nanunuod sa tv habang nagtatype sa kanyang laptop. He's a workaholic!

"Im done fixing your things. Tawagin mo lang ako kung may ipapagawa kapa, okay?" Ani ko at lumabas na. Hindi ko matagalan ang mga titig nya feeling ko ay natutunaw ako!

Makalipas ang ilang oras ay hindi nya naman ako tinawag kaya sinubukan ko na matulog dahil maaga kaming aalis bukas.

3:30am, nagising na agad ako dahil sa alarm ma hinanda ko. Maaga kasi ang flight at medyo matagal ako kumilos kaya inaagahan ko ang paggising dahil paniguradong magagalit si Dane kapag hindi pako handa.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at nagpahatid kami ni Dane sa airport kay manong Ruel. Kalahating oras palang ang nakakalipas ay nakarating na agad kami. Wala namang traffic dahil maaga pa.

"Thank you manong! Ingat po kayo pauwi" ani ko at nginitian si manong Ruel dahil napakabait nya saamin.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dane. Ano problema nanaman nito? Napakaaga at nakabusangot.

"Bilisan mo na dyan" Dane coldy said.

Hinila ko ang dala kong isang maleta at nasa balikat ko naman ang shoulder bag kong gucci na regalo ni daddy saakin noong Christmas. Binilisan ko naman ang lakad ko at sinundan si Dane. Medyo mabigat ang maleta ko kaya nahihirapan at matagal ako maglakad.

Nakita ko agad si Anjenica na umirap agad saakin dahil sa nakitang nahihirapan ko sa pagbibit.

"Napakagentleman naman ng asawa mo Yana" walang prenong at may halong sarkismong sabi niya at umirap.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon