Chapter 3

3.1K 46 0
                                    

Today is Kierra's Christening and I'm with Dane. Bestfriend kasi ni Dane si Jako, ang daddy ni Kierra.

"Omygosh Aliana! I missed you! Sorry hindi kami nakapunta sa wedding nyo ni Dane. Nasa Australia pa kami noon" Aly said and hugged me tighter.

She's also my bestfriend. I have three bestfriends actually, si Anjenca, Aly, and Lisa. Lisa is in states right now, pursuing her dream there. Pero nauwi naman siya for us three to bond together.

"Baby Kierra is so cute" I giggled. She's a three-month old baby, sobrang cute!

Namana nya kay Jako ang fair skin nya and kay Aly naman ang mga bilugang mata nito. I suddenly want to have a baby but that seems impossible at this moment.

"Magbaby kana rin kasi!" She said. Wala pang alam si Aly sa situation namin ni Dane kasi they stayed in Australia habang nagbubuntis siya kay Kierra and we barely contact each other.

Ngiti nalang ang sinagot ko at tumingin kay Dane na busy kausap ang kanyang mga kaibigan. Dumaretso na kami sa loob ng venue. Sa hotel nila Dane ang napiling venue for this party though Jako owns chain of hotels too.

Pagkapasok ko ay pumunta kami sa table ng mga kaibigan ni Dane dahil sabi ni Jako ay duon daw muna kami ni Aly habang iniintay si Anjenica.

"You are so lucky Dane! Napaka ganda talaga ng asawa mo at sexy pa" ani ni Vin, kaibigan ni Dane.

Ngumiti nalang ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil baka magalit si Dane kung ano man ang sasabihin ko.

Hinila ni Dane ang upuan ko palapit sakanya na nagpagulat saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. His simple actions can make me weak. Pagkalapit ng upuan ay ipinulupot nya ang kanyang kamay sa aking bewang. Pigil hininga kong pinapanuod ang mga ginagawa nya sakin.

"Yes, I am" Dane said and smiled at Vin.

Si Aly sa gilid ay tila kinilig sa paghawak saakin ni
Dane. Pero bakit ganon? Parang sarcastic ng pagkakasabi nya para saakin? To the point the it hurts me na. Do I overthink things again?

Dane's friends know our story. They know everything that I've done para lang makuha ko si Dane. Nagsimula na ang event at pinakain na ang mga bisita. Nakarating narin si Anjenica.

"Friend! What was that? Napaka fake ng Dane na yan ah?! May pag hawak hawak pa sarap putulin ng mga kamay" Anjenica's always bitter when it comes to Dane. Bulong lang pagkakasabi nya dahil nasa tabi ko lang si Dane.

Kahit alam kong peke lang ang mga pinapakita nya ay kinikilig parin ako. Ganon siguro pagsobrang mahal mo na ang isang tao. Masaya ka sa actions nya eventhough you know na hindi talaga ito totoo at niloloko kalang.

"Ano ba Anjenica kumain ka na nga! Napakabitter mo. Magboyfriend kana kasi" Sabi ko habang kinakain ang Chicken Alfredo.

Si Aly ay inaasikaso ang ibang mga bisita. Kami naman ng kaibigan ko at mga kaibigan ni Dane ay nagkukwentuhan lamang. Minsan ay sumasali rin kami ni Anjenica sa usapan nila kapag tinatanong kami at kung hindi naman ay gumagawa nalang kami ng sariling conversation dahil baka magalit si Dane sa pagiging madaldal ko sa mga kaibigan nya.

Hindi naman mahirap maging kaibigan ang tropahan nila Dane. Actually, they helped me kapag pinapahirapan ako ni Dane. Pinagtatanggol nila ako kay Dane kapag nagagalit ito saakin. Im also blessed to be friends with them.

The Unwanted WifeDär berättelser lever. Upptäck nu