Chapter 10

3.3K 48 0
                                    

I went to a park near to Dane's office. I need to refreshen my mind. I am angry and hurt at the same time ngunit lalo lang akong nasasaktan tuwing narirealize kong wala rin akong magawa upang maiwasan kong maramdaman iyon. I can't stop Dane from meeting with his other girls. Ang gusto lang naman ay maayos ang relasyon namin.

Umaasa akong maisasalba namin ang kasal namin. He will forgive and accept me in the end. We will have a happy family. Iniisip ko palang ito ay lubos na saya na agad ang aking nararamdaman pano pa kung naging totoo na. Kaya't hindi ako susuko kay Dane, I'll make him realize na ako ang para sakanya.

"Ate bakit po kayo naiyak?" Isang batang babae ang lumapit saakin. She was staring at me and i saw pity on her eyes.

"no...no Im not crying" I denied and smiled at her, kinapa ko ang pisngi ko upang mapunasan ang mga luha at tama nga siya basang basa na ang pisngi ko.

"ano po? sorry ate hindi ko kasi naintindihan eh hehe huwag po sana kayo mag-ingles" aniya at kumamot pa sa ulo. She's cute!

Nagbebenta pala siya ng sampaguita. Siguro ay 8 o 9 na taong gulang na siya. Nakasuot siya ng kulay dilaw na damit at medyo madumi narin ito dulot ng alikabok sa paligid.

"Hindi ako naiyak sabi ko, anyways, ilang taon kana? And ano pangalan mo?" I asked.

"Ate wag kana magsinungaling! Namamasa ho ang pisngi niyo pero okay lang po iyan sabi ni inay ay normal lang naman daw po magkaproblema ang bawat tao. Kami nga po ay hindi nawawalan ng problema hahahahaha sa kung ano ang makakain namin at kailan magkakatrabaho si itay upang huwag niya napo kami paluin kapag mababa ang benta namin. Magdasal lang po kayo kay Papa God at didinggin nya po kayo! Mahal niya tayo at hindi niya tayo pababayaan. Payt payt payt lang po!" Masiglang ani ng bata na tila walang iniindang problema. Im flabbergasted to her with the attitude she's showing.

"11 na taongulang napo ako at Hanna po ang pangalan ko Ate ganda" pagpatuloy niya pa then she smiled, a very genuine one.

She looks too thin and small for her age. Nakaramdam ako ng awa sa mga sinabi niya and also realization, tama nga siya, i should never stop praying. If it is God's will, Dane and I will end up together. Umusbong nanaman ang pag-asa sa aking puso.

"Asan ang mommy mo? Bakit ka nagtitinda ng sampaguita? Saan kayo nakatira?" Tanong ko. Im very curious about this little girl's life. I want to help her.

"Ahh si inay po? Naglalabandera po kela Aling Nena, kuwawa nga po si inay eh kasi buntis papo siya sa pang sampung kapatid namin at nahihirapan papong maglaba. Nagtitinda po ako ng sampaguita kasi kung hindi po ako tutulong kela inay ay wala po kaming makakain. Ang bahay naman po namin ay sa ilalim ng tulay" masiglang pagkukwento nya saakin.

I admire this kid. Kumpara sa problema kong hindi ako mahal ng asawa ko eh mas mahirap panga ang pinagdadaanan nya ngunit nakukuha niya paring ngumiti at maging masigla.

"Uhmmm Hanna, magkano lahat yang sampaguita mo? Bilhin nalang ni ate" ani ko. Marami pa kasi iyon at maghahapon na sa tingin ko ay aabutin na siya ng gabi kung magbebenta at uubusin nya pa ang mga ito.

"Talaga ate?! 250 po ang lahat ng ito! Napakabait nyo po. Makakabili napo ako ng gatas ni Junior dahil naubos ang benta ko" naiiyak na siya. Mas lalong naantig ang puso ko sa sinabi niya.

I gave her one thousand bill as my payment.

"Ate wala po akong panukli rito" aniya.

"Saiyo na iyan, para mabili mo ng gatas ang baby nyo" ani ko.

"Pero sobra sobra po ito ate" sabi niya na tila ayaw pa tanggapin ang pera.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon