Chapter Two

1.9K 41 2
                                    

Chapter Two

"Anak, gumising ka na. Samahan mo ako sa palengke, mamimili tayo."

Kakamot kamot sa ulo na idinilat ko ang mga mata ko. Nag inat ako ng mga braso at mabilis na bumangon. Pupungas pungas pa nga ang mga mata ko. "Anong oras na ba, pa?" tanong ko. Hindi ko pa maidilat ng maayos ang mga mata ko dahil sa antok. Pakiramdam ko kakatulog ko pa lamang.

"Alas dos," sagot ni papa.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon si papa na abala ngayon sa pagsusuklay ng buhok n'ya habang nakaharap sa salamin.

"Pa! Ang aga pa, ah?"

Alas dose na yata kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay... hindi ko natanong kung anong pangalan n'ya, shit! Kainis! Tumawa si papa at humarap sa akin. Ngiting ngiti at tila natatawa sa reaksyon ko.

"Alas kwatro tayo magluluto, alas sais tayo mag aayos ng restaurant at alas otso tayo magbubukas."

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Sinuot ko ang tsinelas ko at humarap sa salamin. Kitang kita ang malaking itim sa ilalim ng mga mata ko. Nakakainis naman, kasalanan ito 'nong babaeng iyon!

Bumuntong hininga ako. Sabagay, ano bang kasalanan n'ya? Wala naman, eh. Hindi n'ya nga ako kilala at ako lang ang nakakaalala na nagkatitigan kami halos isang taon na ang nakakalipas!

"Maligo ka na, Uno!" sigaw ni papa mula sa labas.

"Opo, pa! Wait a minute!" sigaw ko pabalik.

Nagmamadali kong kinuha iyong tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto at tumakbo papasok sa banyo para maligo. Kahit sobrang lamig ng tubig ay tiniis ko, hindi kasi ako sanay na umalis ng bahay na hindi naliligo. Paano kaya natitiis ng iba na umalis na walang ligo? Hindi ba sila nahihiya, nagpabango at nag-toothbrush lang sila? Kadiri.

Nagsusuklay na ako 'nong pumasok ulit si papa sa loob ng kwarto. Nakapameywang na at tila kanina pa inip na inip sa akin.

"Ano?" natatawang tanong ko.

"Ang bagal mo, bilisan mo dahil sasamahan tayo ng apo ni Nanay Ana, kanina pa iyon naghihintay sa labas."

Nabigla ako sa sinabi ni papa. Shit, bakit sasamahan n'ya pa kami?

"Bakit sasamahan n'ya pa tayo?" naguguluhang tanong ko.

"Anak, hindi natin kabisado ang lugar na ito. Kahapon lang tayo nakarating dito, hindi ba?"

Napapikit ako ng mariin at bumuga ng malalim na hininga. Kinakabahan ako, bakit ganito? Kailan kaya ako masasanay sa kanya? Siguro kapag tumagal ay masasanay rin ako sa presensya n'ya, tutal ay magiging kapitbahay na namin s'ya at araw araw ko na s'yang makikita.

"Good morning, Jamila!" Bati ni papa.

So Jamila pala ang pangalan n'ya? Ang cute, parang coco jam.

"Good morning rin po," walang ganang sagot ni Jamila.

"Bakit naka-ganyan ka lang?"

Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na naka-maikling shorts at simpleng black na jacket lang s'ya, pagkatapos ay nakapuyod lang ang buhok sa tuktok ng ulo n'ya.

"Bakit? Sa party ba tayo pupunta?" Mataray na tanong n'ya.

Natatawang inakbayan ako ni papa at saka mahinang bumulong.

"Anak, be friendly naman..." mahinang bulong ni papa.

Ngumiwi ako at saka pinilit na ngumiti bago nagpasyang mauna na sa paglalakad.

"Edi wow," bulong ko rin sa aking sarili.

Naririnig kong nagkukwentuhan si Jamila at papa sa likuran pero hindi ko na lang sila pinapansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa hindi ko alam kung saan ang daan papuntang palengke.

Undeniable FeelingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora