Chapter Thirty Three

1.4K 36 5
                                    

Final Chapter:

Chapter Thirty Three.

I don't deserve him.

Iyan agad ang pumasok sa isip ko, madaling araw pagkatapos nang nangyari sa aming dalawa. Nakayakap s'ya sa akin at ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg.

Hindi ko s'ya kayang ipaglaban. That's the only thing that's on my mind. Paulit ulit na rumerehistro sa akin iyong sinabi n'ya kagabi na hindi ko deserve na umiyak dahil hindi ko s'ya ipinaglaban.

"I love you..." I whispered then decided to got up.

May ibang babae pa para sa'yo, Uno. Hindi ako para sa'yo dahil hindi kita kayang ipaglaban. Dahil doon ako mahina, Uno. Iyong ipaglaban ang sa akin, hindi ko kaya. Nahihirapan ako.

Dahan dahang inalis ko ang braso n'ya sa aking bewang. Laking pasalamat ko naman nang hindi s'ya magising at malaya akong nakapagbihis. Matapos akong magbihis ay walang lingon likod akong lumabas ng kwarto n'ya hanggang sa tuluyan akong makaalis sa condo unit n'ya. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Sa tuwing naaalala ko iyong sinabi n'ya na wala akong karapatang umiyak ay hindi na ako maiyak pa.

Tahimik na sumakay ako sa jeep. Tulala ako habang dinadama ang malamig na pang-umagang simoy ng hangin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking pouch at pumindot ng numero doon. Tinext ko si Mikaela at saka pinatay ang phone ko dahil alam kong tatawag si Uno. Doon muna ako kay Mikaela makikitira panandalian dahil alam ko kasi na pupuntahan ako ni Uno sa bahay namin kapag doon lang ako nanatili.

Gulat na mukha ni Mikaela ang bumungad sa akin nang pagbuksan n'ya ako ng pinto. Bagamat halata sa kanyang mukha na gustong gusto n'yang magtanong ay pinapasok n'ya na muna ako sa loob ng apartment n'ya.

"Nagkape ka na ba?"

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Pahingi akong kape."

Tumango s'ya at saka dumiretso na sa kanyang kusina. Ako naman ay naupo sa upuan na nandoon sa kanyang sala. Inilapag ko ang phone ko sa lamesa habang hinihintay si Mikaela.

Handa na ako sa mga itatanong n'ya sa akin. Handa rin akong sabihin sa kanya dahil napapagod na akong dalhin 'to na ako lang. Nakakapagod din pala na wala kang pinagsasabihan ng problema.

"Oh, ito na ang kape mo."

Inilapag n'ya ang mug ng kape sa ibabaw ng lamesa at saka naupo sa katapat na upuan ko.

"Salamat."

Kinuha ko iyong kape at hinipan iyon ng marahan bago tuluyang humigop doon ng kaunti. Mainit pa iyon kaya inilapag ko rin kaagad sa lamesa.

"Magkwento ka na."

Nag angat ako ng tingin kay Mikaela. Tumulo na lang ang luha ko bigla. Iyong kaninang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumagsak. Ikinwento ko sa kanya ang lahat habang patuloy na bumabagsak ang luha ko sa aking pisngi. Tahimik na nakikinig lang si Mikaela sa lahat ng ikinuwento ko sa kanya.

"Ganoon mo ba talaga s'ya kamahal?" tanong ni Mikaela matapos kong i-kuwento sa kanya ang lahat.

Tumango lamang ako at saka kumuha ng panibagong tissue na inilagay na n'ya sa harapan ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi.

"Edi ipaglaban mo. Matuto kang ipaglaban s'ya, Jamila. Hindi pwedeng s'ya lang ang palaging nag-aadjust."

"K-kaya ko nga s'ya iniwan kasi hindi n'ya ako deserve, eh."

Umirap s'ya sa akin saka bumuga nga buntong hininga.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, bahala ka."

Hindi ko sinunod si Mikaela sa payo n'ya. Tinawagan ko si mama na dito na muna ako kay Mikaela makikitira dahil sa sitwasyon ko. Pinakiusapan ko na rin s'ya na dalhin dito ang ilan sa mga damit ko.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now