Chapter Twenty One.

1K 28 13
                                    

Chapter Twenty One.

Sa tuwing naiisip ko iyong mga nangyari sa amin ni Uno kagabi ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na may gusto sa akin si Uno at mas lalong hindi ako makapaniwala na halos may mangyari na sa amin!

Nag-iinit palagi ang pisngi ko sa tuwing naaalala ko iyon.

"Ano na, kayo na?" Tanong sa akin ni Cash.

Nakasabay ko s'yang kumain ng lunch sa cafeteria. Himala iyon dahil malaki ang school namin at minsan lang kami halos magkita. Apat ang cafeteria sa school.

"Hindi pa 'no, ang kapal naman n'ya kung hindi ko s'ya papahirapan bago maging kami." sagot ko.

Natatawang sumubo s'ya ng kanin na may ulam na beef steak at ngumuya.

"At isa pa, ayokong magpa-easy to get."

Humalakhak na s'ya. Nagtinginan tuloy sa amin ang mga tao sa loob ng cafeteria. Ang sasama na rin ng tingin sa akin ng mga babaeng patay na patay kay Cash.

"Ayaw magpa-easy to get pero nagpahalik ka? Ikaw talaga si Jamila." he said then continued his laugh.

Hinampas ko s'ya sa balikat saka s'ya sinamaan ng tingin.

"Paano mo nalaman? Sinabi sa'yo ni Uno?!" Naiinis na tanong ko.

Walanghiyang Uno iyon, baka pati iyong ginawa namin kahapon ay ikinuwento rin n'ya! Ang daldal n'ya! Sasapukin ko s'ya sa mukha pag nagkita kami.

"You think Uno will tell me? Sa'ting lahat, si Uno ang pinaka-hindi makuwento. Madaldal lang s'ya kapag nandyan ka. Kaya nga alam na alam ko na may gusto s'ya  sa'yo noon pa."

Umirap ako.

"Edi wow."

Humalakhak ulit s'ya.

"Gigil mo si ako, pa-hard to get pero nagpahalik!"

Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata dahil lalong nagtinginan ang mga tao sa amin.

"Tangina mo talaga, ang sarap tahiin n'yang bibig mo, letse!"

Dumakot ako ng kanin sa plato n'ya at isinalaksak sa bibig n'ya. Nagulat naman s'ya doon at halos masamid. Ngayon, ako naman ang tumawa. Mabilis na nginuya n'ya ang kanin saka ako sinamaan ng tingin.

"Ang harsh mo gumanti ha." inis na sabi n'ya.

Nginitian ko na lang s'ya. Parang hindi n'ya pa ako kilala.

Pagkatapos naming mag-lunch ay naghiwalay na kami ng daan ni Cash. Sa kaliwa kasi ang building na pinapasukan n'ya samantalang ako sa kanan. Tahimik lang sana ako papasok sa classroom nang may humawak sa braso ko.

Nilingon ko iyon. Nanlaki agad ang mga mata ko ng makita si Jayson. Matagal ko na s'yang hindi nakikita at masasabi kong napatawad ko na s'ya sa kasalanang nagawa n'ya sa akin noon.

"J-jayson..."

He smiled at me. Mas nag-matured ang mukha n'ya. Mas tumangkad rin s'ya, even his speaking voice. Mas naging baritono iyon.

"Jamila, I hope you don't mind. Can we talk?"

"Jayson, ano bang pag uusapan natin?"

Lumungkot ang mukha n'ya. Binitawan n'ya ang braso ko at saka bumaba ang tingin sa sahig.

"I'm sorry about what happen to us the last time we saw each other."

Tinapik ko ang balikat n'ya. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin. Nginitian ko s'ya para ipakitang ayos na.

Undeniable FeelingsKde žijí příběhy. Začni objevovat