Chapter Five

1.2K 36 5
                                    

Chapter Five

"Close kayo?" Takang tanong ni Cash kay Shivan at Uno.

Natawa si Shivan bago sumagot. "Kapitbahay s'ya ni Jamila."

Napatingin silang lahat sa akin. Nahinto tuloy ako sa pagsubo ng kanin. Tiningnan ko rin silang lahat.

"What?"

"Eh, bakit hindi kayo close?" Nagtatakang tanong ni Cash sa akin.

Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy nang muli sa pag-kain. Hinayaan na nila ako at hindi na muling ginisa pa ng kung ano anong tanong. Mabuti iyon dahil hindi ako mawawalan ng ganang kumain.

"So... mamaya sasama ka sa amin?" Tanong ni Shivan kay Uno.

Sandaling sumulyap sa akin si Uno tila tinatanong ako kung papayag ba ako. Nag iwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Bakit n'ya ako tatanungin? Close ba kami?

"Oo, sasama ako."

Napasuntok sa ere si Shivan bago umakbay kay Uno. Si Cash, Harold, Mikaela at Roxy naman ay pinuno na ng tanong si Uno. Panay naman ako sagot n'ya.

Pagdating ng uwian ay sinadya kong hintayin si Uno sa labas ng gate kahit na alam kong kasama n'ya sila Shivan ay kailangan ko s'yang makausap.

"Uno, mag usap tayo."

Napatingin silang lahat sa akin. Umawang ang labi ko dahil hindi ako sanay na ganon sila kung makatingin sa akin. May halong kahulugan.

"Akala ko ba hindi kayo close?" si Cash.

Inirapan ko s'ya at binalingan na ng tingin si Uno. Hinawakan ko ang braso ni Uno at hinila s'ya palayo sa mga abnormal kong kaibigan.

"Hihiramin ko lang s'ya, susunod kami sa apartment. Mauna na kayo!" Utos ko sa kanila.

Naglahad ng kamay si Harold. "Susi."

Iiling iling na dinukot ko mula sa bulsa ko ang susi at inihagis sa kanya. Parang boss talaga 'to, eh.

Nagsi-alisan naman sila at nauna na, naiwan kami ni Uno sa pwestong iyon. Nang sa wakas ay malayo na sila ay nilingon ko si Uno. Seryoso lamang s'yang nakatingin sa akin.

"Hoy, ikaw!"

Nagtaas lamang s'ya ng kilay. Lalo tuloy uminit ang ulo ko. Feeling pogi 'tong gagong ito, porque pinuri ng mga malalanding kababaihan kanina, eh akala n'ya gwapo na s'ya.

"Akala ko ba sa St. Bernadette ka mag aaral?"

Ngumisi s'ya at dinukot ang phone n'ya mula sa kanyang bulsa.

"Hindi ba pwedeng nagbago ang isip ko?"

Isinalpak n'ya iyong earphones n'ya sa tenga n'ya at naghanap ng kanta sa phone n'ya. Bastos talaga!

Sa inis ko ay nauna na akong maglakad. Bahala na s'ya kung susunod s'ya sa akin o hindi. Nararamdaman ko namang sumusunod s'ya sa akin kaya hinayaan ko na lamang.

"Take me to your heart,
Show me where to start,
Let me play the part of your first love,
All the stars are bright,
Every wish is ours tonight my love..."

Shit, s'ya ba 'yon? Napabagal bigla ang paglalakad ko. May talent pala 'tong lalaking 'to, infairness ganda ng boses n'ya.

"Pity those who wait,
Trusting love to fate,
Finding out too late,
That they've lost it,
Never let them go,
They may never know the ways of love..."

Tumigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. Tumigil rin s'ya sa paglalakad. Nagkatitigan kaming dalawa. Biglang bumagal ang paligid.

"Got to believe in magic..." He finally said.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now