Chapter Twelve

914 26 3
                                    

Chapter Twelve

"Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ni Harold sa likuran ko.

Maski ako rin naman ay masakit ang ulo. Pare-pareho kasi kaming may hang over mula pa kagabi.

"Ako rin, 'wag kang magreklamo. Pare-pareho lang tayo," si Cash iyon.

"Nasaan si Uno? Late ba? Siya ang pinaka-hindi nalasing, ah!" Tanong ni Harold.

Nagpantig agad ang tenga ko marinig ko pa lamang ang pangalan n'ya.

"S'ya na nga 'yong hindi nalasing, s'ya pa ang late." si Shivan na medyo iritable rin.

"Nasarapan yata sa bagong syota n'ya. Langya, 'kala ko hindi 'yon magiging katulad ni Cash. Parang good boy kasi, eh."

Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang ako ay palihim na naiinis. Bakit ba kasi hindi ko parin maalis si Uno sa sistema ko? Bakit kahit galit na ako at naiinis ako sa kanya ay hindi ko parin maiwasang hindi maapektuhan kapag s'ya ang pinag uusapan.

Natahimik lang sila sa pag uusap tungkol kay Uno nang dumating na s'ya. Sinundan ko s'ya ng tingin dahil dire-diretso lang s'ya papunta sa upuan n'ya. Agad naman s'yang inintriga ng tatalong abnoy.

Tumayo ako at nagpasyang magbanyo muna bago dumating iyong teacher namin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Madeline.

"Magbabanyo lang saglit."

Tinanguan n'ya ako at nagmamadali na akong lumabas ng classroom. Pagkarating ko sa cr ay naabutan ko doon iyong babaeng kasama ni Uno kagabi, may kasama s'yang babaeng kulot ang buhok at mukhang nagchichikahan sila.

"Oo, tapos bes ang laki. Hindi ko kinaya 'yon, tumirik talaga ang mata ko!" Tili n'ya.

Pabagsak na binuksan ko ang pinto ng cubicle dahil mukhang hindi nila ako napansin. Naiirita ako sa pinag uusapan nila. Baka pati kung nakailang round sila ay pag usapan rin nila.

"Jamila!"

Hindi ko na s'ya pinansin. Alam n'ya ang pangalan ko, I don't care. Pabagsak na isinara ko rin ang pinto.

"May gusto ka ba sa boyfriend ko, Jamila? Kagabi ka pa kasi ganyan, eh." nang aasar na sabi n'ya.

Umirap ako at ipinagpatuloy ang paglalabas ng sama ng loob. Meron nga, pero hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito.

"Hoy! Sumagot ka nga riyan!" Narinig kong sinipa n'ya ang pinto. Aba ang tapang ha!

Nang matapos akong umihi ay binuksan ko na ang pinto. Nakaabang agad s'ya sa harap ng pinto at naka-krus pa ang braso sa flat n'yang dibdib. Paano ba 'to nagustuhan ni Uno?

"Umalis ka sa dadaanan ko." utos ko sa kanya.

Umangat ang isang kilay n'ya at tila hindi talaga aatras.

"Sagutin mo muna ako." Matapang na sagot n'ya.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Masakit ang ulo ko, galit ako at bwiset na bwiset ako magmula pa noong marealize ko na may gusto ako kay Uno.

Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinawakan ang buhok n'ya. Napatili s'ya sa ginawa ko. Ang kaibigan n'ya rin ay napasinghap.

"Kilala mo ako 'di ba?" Walang emosyong tanong ko.

"J-jamila..." takot na sabi n'ya.

Binitawan ko ang buhok n'ya pero bago 'yon ay bahagya ko pa s'yang itinulak.

"Touch me at nang maghiwalay kaagad kayo ng pinapangarap mong Uno."

Inirapan ko s'ya at nagmamadali nang lumabas sa banyo. Naabutan ko doon si Yael, iyong senior na nanalo last year sa Math Quiz bee na sinalihan ni Madeline. Isa rin ito sa heathrob ng school namin, naging magkaibigan kami noong isang beses na nagkasama kami sa nag-cheer kay Madeline. Idol n'ya daw kasi si Madeline sa katalinuhan.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now