Epilogue:

2.5K 61 11
                                    

Epilogue:

Uno Kyzzer Ramirez POV

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila Jamila. It's her second trimester at hindi na s'ya masyadong naglilihi pero gustong gusto ko pa rin s'yang dalhan ng mga pagkaing pinaglihian n'ya. Tanggap ko naman na talagang ayaw na ni Jamila sa relasyon naming dalawa, pero hindi ko matatanggap iyong pati ang anak namin ay ilayo n'ya sa akin. Hindi ako makakapayag kapag iyon ang nangyari.

"Uno, pasok ka."

Just by seeing her beautiful face, ayos na ako. Hindi na ako hihiling pa ng kahit ano. Aaminin kong sobrang mahal ko pa s'ya pero ayokong ipilit ang ayaw n'ya. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya.

"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako."

Nag iwas s'ya ng tingin sa akin at bumaba ang tingin sa hawak kong plastic na may lamang vanilla ice cream. Kinuha n'ya iyon at saka nag angat ng tingin sa akin.

"S-sige, s-salamat sa pasalubong." She smiled at me.

Tumango lang din ako at nagpaalam na sa kanya. Iyon lang ang nangyayari sa amin palagi. Dadalhan ko s'ya ng pagkaing gusto n'ya pagkatapos ay aalis na dahil ayokong masaktan sa tuwing malapit ako sa kanya at hindi ko manlang s'ya mayakap o mahalikan. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

"Suyuin mo ulit s'ya," sabi ni Cash. "I know that she loves you, mataas lang masyado ang pride 'non."

Kinuha ko ang bote ng beer na nasa harapan ko at lumagok doon ng kaunti.

"Ayoko na kasing ipagpilitan ang sarili ko."

Nagkibit balikat s'ya saka hindi na ako ulit pinilit pa. Gustong gusto kong suyuin si Jamila. Gusto kong ipagpilitan ang sarili ko pero natatakot ako na baka maging katulad lang din noong sinuyo ko s'ya. Iniwan n'ya ako at halos ayaw na n'yang magpakita pa. Ayokong mangyari ulit iyon.

"Paano kung magkagusto s'ya sa iba? Anong gagawin mo?" Tanong bigla ni Shivan.

Humigpit ang hawak ko sa bote. Hindi ako nakasagot because I don't know what to do. Hindi ko alam, pero hanggat maaari dapat hindi ako masaktan. Dapat hayaan ko lang s'ya dahil ako na rin ang nagsabi na hanggang doon na lang kami at anak ko na lang ang gusto ko sa kanya. Alam kong nasaktan ko s'ya nang sabihin ko iyon pero mas ayos na iyon para mas lalo s'yang maka-move on.

Minaniubra ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Jamila. Ngayon ang schedule n'ya para sa check up. Hindi man n'ya ako sabihan na sumama, gusto kong samahan s'ya dahil anak ko rin naman iyon.

Pero nangunot ang noo ko nang makita s'ya malayo pa lang, hawak n'ya ang tiyan n'ya habang nakangiti sa lalaking nakatalikod mula sa akin. Kumirot ang puso ko sa nakikita. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko, ayoko ng ganito. Iyong may iba s'yang kasamang lalaki.

Pabagsak na isinara ko ang pinto ng kotse ko na naging dahilan para mapalingon sila pareho sa akin. Oh, right. Si Nathan na naman pala. Alam ko naman na may gusto s'ya kay Jamila, eh.

"Oh, Uno! Anong ginagawa mo rito?" tanong bigla ni Jamila.

I want to shout at her and tell her the fuck! I'm here for our child! Pero ayoko, magmumukha akong bitter kapag ganon ang ginawa ko.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now