Chapter Twenty Six.

1K 26 1
                                    

Chapter Twenty Six.

UNO

"Ma, hindi po ako papayag na magpakasal kay Sophia."

Diretsong sabi ko kay mama. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Ayoko s'yang saktan pero mas masasaktan ko lamang s'ya kapag hindi ko kaagad sinabi. Ayoko nang mawala si Jamila sa akin. Ayoko na makita ulit si Jamila na pagmamay-ari ng ibang lalaki.

"Pero anak... ito lang naman ang pabor ko sa iyo matapos ang ilang taon na hindi tayo magkasama." malungkot na sagot ni mama.

"Ma, pasensya na po. May mahal po kasi akong iba at hindi ko kayang mabuhay na wala s'ya."

Na-itikom ni mama ang bibig n'ya. Kitang kita pa rin ang sakit sa kanyang mga mata ngunit hindi ko na iyon babawiin pa. Ayokong makasal kung hindi lang din kay Jamila.

"S-sige, pero kung magbabago pa ang isip mo, pwedeng pwede mo akong balikan, anak." malungkot na ngumiti s'ya.

Tumayo s'ya at hinaplos ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo. Napapikit na lamang ako. Gusto kong pagbigyan si mama, pero ayokong mabuhay na puno ng pagsisisi. Mahal na mahal ko si Jamila at ayokong magkahiwalay kami.

"Uuwi na po ako, ma. Hinihintay na ako ni papa." paalam ko kay mama.

Bago pa ako makatayo ay bumaba na si Sophia mula sa itaas ng mansyon nila. Maganda si Sophia, sopistikada at sexy kung manamit. Mas matanda rin s'ya sa akin ng limang taon.

"Kung uuwi ka na, pwede ba akong makisabay sa kotse mo? Magpapahatid lang ako sa mall, may kailangan kasi akong bilhin." malambing na sabi n'ya.

Nilingon ko si mama. She gave me a sweet smile. Hindi na ako nakatanggi pa. Tutal ay ihahatid lang naman, pumayag na rin ako.

Nang makalabas kami sa mansyon ay umabre-syete pa sa akin si Sophia. Sinubukan ko 'yong alisin pero nagmatigas s'ya at pinilit na ilagay parin doon ang braso n'ya.

"Alam mo, nakita ko na ang girlfriend mo. You know, I am more beautiful than her. Mas sexy pa ako, kaya bakit tinatanggihan mo ako?"

Nag-igting ang panga ko. Hinayaan ko s'yang sabihin iyon hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Pinagbuksan ko s'ya ng pinto.

"Pumasok ka na, bitawan mo na ang braso ko."

Umirap s'ya bago tuluyang binitawan ang braso ko.

"Ang sungit mo naman."

Wala akong imik habang nagmamaneho. Panay ang sulyap sa akin ni Sophia, nakikita ko iyon sa gilid ng mga mata ko pero hindi ko lamang s'ya pinapansin. Ayokong magkasala kay Jamila kahit na hindi n'ya naman ito nakikita. Ayoko nang magalit s'ya sa akin dahil natatakot ako na baka tuluyan na n'ya akong iwanan. Kilala ko si Jamila at alam na alam ko kung ano ang kaya n'yang gawin.

"Alam mo, may fiancé rin naman ako eh. Pero hiniwalayan ko s'ya dahil kailangan kitang pakasalan."

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay n'ya sa binti ko kaya kaagad akong nagpreno.

"Fuck!"

Nilingon ko s'ya na may galit sa mga mata. What is she doing? Sinusubukan n'ya ba akong akitin?

"Bakit mo inihinto ang sasakyan?" kalmadong tanong n'ya.

"Get the hell out of my car, you fucking bitch!" sigaw ko sa kanya.

Napakurap kurap s'ya bigla. Gulat siguro sa naging asta ko. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay pinipilit ako sa bagay na ayokong gawin!

"You called me, bitch?!" galit na sigaw n'ya.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now