Chapter Thirty One.

1K 32 8
                                    

Chapter Thirty One.

Parang binibiyak sa dalawa ang puso ko habang naghahalikan silang dalawa sa tabi ko. Kahit na alam ko naman na ganoon na nga ang ginagawa n'ya kasama ang ibang mga babae at alam kong mas higit pa nga ay ang sakit sakit pa rin talaga.

"Sayaw tayo?"

Napalingon ako kay Nathan na nakangiti sa akin ngayon. He's my life savior. Kung sana s'ya na lang ang mamahalin ko, edi sana walang problema! Sigurado naman akong walang babaeng aali-aligid sa lalaking ito, hindi katulad nang kay Uno.

"Mamaya na! Shot ka muna isa, tapos sayaw na kayo, tapos umamin ka na kay Jamila ha?"

Sumulyap ako kay Mikaela na inaabutan si Nathan ng tagay. Walang sabi sabing kinuha iyon ni Nathan at tinungga saka ako hinila para umalis na sa upuan.

"Whoa! Excited nang umamin!" si Jaxton iyon.

Natawa na lang si Nathan habang tinutulungan akong tumayo. Bago ako makatayo, hindi ko inaasahan na hawakan ni Uno ang kamay ko. Kinabahan agad ako dahil sa pagtatama ng mga balat naming dalawa. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula roon.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko.

Hindi s'ya kaagad nakasagot. Nagtatakang tiningnan na kami ng mga barkada namin dahil napapatagal na ang pagkakahawak ni Uno sa kamay ko.

"W-wala," mabilis na binitiwan n'ya rin ang kamay ko 'tsaka ibinaling nang muli ang tingin sa babaeng katabi n'ya.

Parang tinusok ng milyon milyong karayom ang puso ko dahil sa ginawa n'ya. Tumango na lamang ako at niyaya na si Nathan na umalis doon bago pa ako bumigay at mapaiyak sa harapan nila.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Dalawang taon na ang lumipas pero ito parin ako at hindi parin nakaka-move on sa kanya. Samantalang s'ya, iba't ibang babae na ang nakasalamuha n'ya! Bakit ba kasi ang hirap mag-move on? Bakit s'ya, kaya n'ya ng ganoon kabilis? Siguro nga talagang niloko lang ako ni Uno, noon. Sana pala naniwala na ako sa mga ex n'ya na pinaglalaruan lang ako ni Uno.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Nathan nang makahalo na kami sa kumpol ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.

"Oo, ayos lang ako."

Hinawakan n'ya ang bewang ko at inilapit n'ya ako sa kanya nang magpalit ang tugtog. Naging sweet ang kanta hindi katulad nang kanina na wild.

"Huwag mo na akong lokohin, hindi ka ayos."

Hinawakan n'ya naman ang kamay ko at ipinatong sa ibabaw ng balikat n'ya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang sincere na pag aalala n'ya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Alam kong may gusto ka sa'kin," sabi ko sa kanya habang ang mga mata namin ay nagkakatigan.

"Oo nga, gusto kita. Pero mapipilit ba kita kung hindi mo ako gusto?"

Natahimik ako doon. Nag iwas na ako ng tingin sa kanya dahil sa tingin ko, kapag tinitigan ko pa s'ya ng mas matagal ay mas lalo lang akong makokonsensya.

"L-lumayo ka na sa'kin, Nathan. Ayokong masaktan ka..."

Hinawakan n'ya ang ulo ko at isinubsob sa dibdib n'ya. Para akong hinihele ng amoy n'ya at nang pakiramdam ng init ng katawan n'ya. Mas lalo tuloy akong naiiyak.

"Ayoko nga, bakit kita lalayuan eh, mahal kita."

Shit. Bakit ang martyr mo, Nathan? Hindi ko kayang maging katulad mo. Kasi kung kaya ko lang, baka ginawa ko na nong kami pa ni Uno. Nong may mga babaeng umaaligid sa kanya.

"Nasasaktan na ako ngayong nasasaktan ka dahil kay Uno. Kaya iyak na, wala akong pakielam kung mabasa ang damit ko ng luha mo. Remembrance din 'yan."

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now