Chapter Eighteen.

926 32 15
                                    

Chapter Eighteen.

Ang lakas ng tugtog dito sa bar. Pati puso ko ay tatalon na sa lakas. Sumulyap ako sa relo ko. Alas otso na pero wala parin ang mga gago. Usapan ay alas otso! Sakto alas otso na!

"Jamila!"

Naupo si Harold sa tabi ko. Nilingon ko s'ya at nakasimangot s'ya.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"I have a big problem."

Nangunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

Nilingon n'ya rin ako. Bakas ang pag aalala sa mukha n'ya.

"Sa'yo ko unang sasabihin kasi ikaw lang ang natitirang matino sa ating magbabarkada."

Tumango tango ako. Maski ako ay kinakabahan sa sasabihin n'ya, eh.

"N-nabuntis ko si Stella..."

Napanganga ako. Hindi agad ako makapagsalita. Una, si Madeliene. Ngayon naman ay si Harold! Kung kailan magiging sila na ni Kray ay saka pa ganito.

"Paano si Kray?"

Napayuko s'ya.

"You have to tell her."

Hindi na s'ya nakasagot dahil dumating na ang dalawang babaero. Naupo sila katapat ng upuan na nasa harap namin ni Harold.

"Sorry na-late kami, may kumausap pa sa aming chics." Si Cash iyon pagkatapos ay nagtaas ng kamay para tumawag ng waiter.

"Nasaan si Shivan?" Tanong ko.

"Nagmumukmok, nag aaral para daw sa future." Si Uno ang sumagot.

Natawa ako. Abnormal. Kung kailan iniwan na s'ya ni Madeline saka nagkaganon, tanga talaga.

"Hindi na yata s'ya babalikan ni Madeline. Umaasa pa s'ya." Iiling iling na sabi ko saka uminom sa beer na kanina pa nasa harap ko.

"Bakit luwa na naman 'yang dibdib mo sa suot mo Jamila?"

Sinamaan ko ng tingin si Uno. Si Cash ay napatingin tuloy sa dibdib ko. Wala parin talagang patid ang pangingilam n'ya sa akin pero nasanay na lang ako. Nasanay na akong maging manhid sa harapan n'ya.

"Yaan mo nga s'ya, uso 'yan ngayon, Uno. Bakit affected ka ba?" Pang aasar ni Cash.

"Oo, affected ako kasi sure ako na push up bra lang naman ang ginamit n'yan. Baka flat nga iyang si Jamila, eh."

Nanlaki ang mga mata ko. Maski si Cash ay napalingon din sa kanya.

"Eh, kung ingudngod kita sa suso ko at nang malaman mong hindi 'to push up bra! Sampalin kaya kita d'yan!"

"Whoa! Sige nga! Ingudngod mo nga!"

Naiinis na ibinagsak ni Harold ang bote n'ya sa lamesa.

"Mag aminan na nga kayong dalawa, hindi 'yong ganyan parin kayo. Anim na taon na ang lumipas, pareho parin kayo!"

Naitikom ko ang bibig ko. Natigil rin si Uno. Ano bang aaminin ko? Naka-move on na ako kay Uno, naka-move on na ako! 'Yan ang itinatatak ko sa utak ko palagi, hindi ko inaalis sa utak ko 'yon kapag nakikita ko s'ya.

"Anong aaminin ko? Na ang pangit talaga ni Jamila?"

Tumayo si Cash habang natatawa tawa.

"I'm outta here. Sasayaw lang ako."

Tumayo na rin ako.

"Ako rin, sayaw na lang tayo, Cash!"

Sumunod ako sa kanya. Ang suot ko ay kulay puting tube na kita ang pusod at kulay itim na ripped jeans at puting 3 inches heals. Nakalugay ang bagsak na itim kong buhok.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now