Chapter Eleven.

961 22 2
                                    

Chapter Eleven.

Naglakad kami ni Cash palapit kay Uno na nanatiling nakatayo sa harap ng gate. Ngayon ay mas naaninag ko na s'ya. Kulay itim na hooded jacket at fitted jeans ang suot n'ya. Nakapasok ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang bulsa ng jacket habang mariing nakatitig sa akin.

"Ang pangit mo, ang dami mong sugat." pang aasar iyon ni Cash.

"Marami lang akong sugat pero hindi ako pangit," sagot ni Uno.

Cash chuckled then he wrapped his hand on my small waste. Ganito kami ni Cash, ni Harold o ni Shivan man. Sobrang close namin sa isa't isa at hindi naman namin binibigyang malisya ang bawat kilos namin.

"Sabay na nga kami uuwi, oh. Huwag mong sabihin nag-volunteer ka namang sunduin si Jamila ngayon? Hanep! May napapansin na ako, ah." Natatawang sabi ni Cash at mas humigpit pa ang pagkakahapit n'ya sa bewang ko. I don't know what's on Cash mind but I think he's thinking that Uno has feelings for me.

Bumaba ang tingin ni Uno sa kamay ni Cash na nakahawak sa bewang ko. Pero agad n'ya rin iyong inalis at nag angat ng tingin sa akin.

"Nagtext ka sana sa akin." Uno said.

"I don't have your number and why would I text you?"

Nagkibit balikat si Uno at tumalikod na sa amin. Aba, pinuntahan n'ya ako rito pagkatapos ay tatalikuran lang ako.

"Mauna na ako, sunod na lang kayo. Inutusan lang ako ng kuya mo na sunduin ka."

Nagpatuloy na s'ya sa paglalakad. Nilingon ko si Cash na ngayon ay sobrang lapad na ng ngiti. Nangunot naman ang noo ko. Alam ko na 'yang mukhang 'yan ni Cash, eh.

"Hoy, abnoy! Bakit ganyan ka kung makangiti?"

Bumaba ang tingin n'ya sa akin saka inalis ang kamay n'ya sa bewang ko. "I think, he has a thing on you."

Umirap ako at bahagya s'yang itinulak. "Whatever, Cash."

Nauna na ako kay Cash. Naririnig ko ang mahihinang tawa n'ya sa likuran ko pero hinayaan ko na lamang. Alam ko kasi na baka umasa ako sa sinabi ni Cash. Baka umasa akong may gusto nga sa akin si Uno. Mahirap mag-assume...

"Dito na lang ako, kaya n'yo na sarili n'yo." Paalam ni Cash.

Tumango lang ako at nagdiretso na s'ya sa subdivision kung saan sila nakatira. Hinarap ko si Uno na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Nakapamulsa pa rin s'ya.

"Tara na." aya ko sa kanya saka nauna nang maglakad.

Gabing gabi na. Tanging ang street lights at ang tunog ng paminsan minsang pagdaan ng mga sasakyan ang naririnig ko. Sanay naman na ako na umuwi ng ganitong oras. Lalo na kapag wala si kuya.

"Gabing gabi na."

Seryosong sabi n'ya. Akala ko ay hindi s'ya magsasalita at mananatiling tahimik ang paglalakad namin.

"And so?"

"Nag aalala na ang kuya mo sa'yo."

Hindi ko iyon sinagot. Alam kong galit si kuya kapag umuwi ako ngayon. Hindi kasi s'ya sanay na ganitong oras ako umuuwi sa tuwing nandito s'ya. He knows that I'm a play girl but he doesn't know that I also hang out with my friends at this time.

"Kumusta nga pala ang mga sugat mo?" Pag iiba ko ng usapan.

"It's fine. Wala sa akin 'to."

Hindi na ako nagsalita. Tahimik na binaybay namin ang daan pauwi. Ganon rin s'ya. Nang nasa labas na kami ng gate ng bahay namin ay hinaklit n'ya ang siko ko dahilan para lingunin ko s'ya.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now