Chapter Twenty Four.

966 33 1
                                    

Chapter Twenty Four.

From: Uno
Ayokong ipahiya si mama kaya hindi ako bumaba ng stage.

From: Uno
Kakausapin ko si mama bukas at tatanggihan ko s'ya sa kasal na iyon. Ayokong makasal kung hindi lang din ikaw, mahal ko.

From: Uno
Mahal ko, pasensya na at hindi kita naihatid :( mahal ko, mag-reply ka naman po.

From: Uno
Jamila, mahal ko... mag-reply ka naman. I'm worried. You won't break up with me, right?

From: Uno
Nakauwi ka ba ng maayos? Please.

From: Uno
Sagutin mo naman ang tawag ko :(

Pinatay ko ang phone ko. Sunod sunod na tumutunog kasi iyon dahil sa mga text ni Uno. Nakakagago lang. Kung ngayon pa lang ay hindi na n'ya ako kayang panindigan, mabuti pa na huwag na namin ituloy ang relasyon na ito.

Pinunasan ko ang luha ko. Nandito ako ngayon sa condo ni Cash. Ayoko pang umuwi dahil ang akala ni mama ay bukas pa ako uuwi. Dito muna ako ngayong gabi.

"Ang pangit tingnan, babae ka tapos dito ka matutulog. Hindi ka ba natatakot na baka gahasain kita?" nang aasar na tanong ni Cash.

"Hindi mo ako gagahasain, nandidiri ka sa akin." lumagok ako sa beer na nasa basong hawak ko.

"That's right, you're pretty and sexy. Pero kasi pag ini-imagine ko talaga na magka-sex tayong dalawa. Para akong masusuka."

Sinamaan ko s'ya ng tingin at saka padabog na ibinagsak ang baso sa lamesa n'ya.

"Sex agad?! Ang halay talaga ng pag-iisip mo, puta ka." mura ko sa kanya.

"Lumayas ka na nga sa condo ko, balak kong mag-uwi ngayon ng chics pero dahil sa'yo, wala akong chics ngayon."

"Hindi ba pwedeng kahit isang gabi lang, 'wag ka munang jumerjer? Lintek, magka-aids ka sana!"

Natawa na lamang s'ya at uminom narin s'ya sa beer na hawak n'ya.

"So... bakit hindi mo muna s'ya pagpaliwanagin?"

"No need, I don't need an explanation."

"Pag-ibig na kaya... Pareho ng nadarama, ito ba ang simulaaaaa!"

Binatukan ko nga, ang pangit ng boses. Walang tatalo sa boses ni Uno. Shit naman, tangina talaga ng Uno na 'yan, paasa amputa ang sarap tirisin!

"Kwento ka naman, mapapanis na laway ko dito, eh."

"Nagpropose s'ya sa akin kanina."

Nagtatakang kinunotan n'ya ako ng noo.

"Propose? As in ng kasal?"

Tumango ako at uminom ulit sa beer na hawak ko.

"Oo, tapos 'yon pala may fiancé na s'ya! Puta talaga."

Tumawa na naman s'ya.

"Gusto na kitang tirisin, tawa ka ng tawa, nakachongke ka ba?"

"Hoy, hindi ko na ginagawa 'yon, 'no!"

Tumango ako at binalingan na lamang ang iniinom kong beer. Ang sakit sakit talaga. Umasa ako, eh. Akala ko totoo na. Akala ko kaming kami na at wala ng hahadlang pa, iyon pala meron parin pala.

"Kagabi nga pala 'yong engagement party ko." biglang sabi ni Cash.

Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya. Anong engagement party ang tinutukoy nito.

"Anong pinagsasabi mo? May girlfriend ka ba?"

Umiling s'ya at nag-imagine sa kanyang harapan. Gamit ang kanyang kamay ay gumawa s'ya ng hugis coca cola sa hangin.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon