Chapter Twenty Nine.

962 28 2
                                    

Chapter Twenty Nine.

JAMILA

Ilang ulit na parang nilalapirot ang puso ko sa sobrang sakit. Palagi na lang ba ganito? Na kapag nagiging masaya na kami ni Uno ay bigla biglang may eeksenang babaeng haliparot? Hindi ba pwedeng happy ending na? Palagi na lang bang mauudlot? Pero sa tingin ko ito na ang ending para sa aming dalawa. Kung noong una ay na-engaged lang s'ya, ang pangalawa ay binuwiset ako ng ex n'ya, ngayon mas malala ang nakita ko. Hinding hindi na ako makakapayag pa na masaktan pa ulit. Kung hindi nga siguro ako dumating baka may nangyari na talaga sa kanila! At sinong babae ba ang maniniwalang walang nangyari sa kanila kagabi?! Ako lang ang naniwala! Naniwala ako sa kasinungalingan at kagaguhan n'ya!

Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang phone ko sa aking bulsa. Kahit na tuloy tuloy na bumabagsak pa rin ang mga luha ko at panay ang pag uga ng sinasakyan kong jeep ay hindi ako nagpatinag. Ini-scroll down ko ang lahat ng contacts ko sa phone ko. Ayokong pumunta kay Cash o kay Harold dahil paniguradong pupuntahan ako ni Uno doon. Hindi rin ako pwedeng pumunta kay Roxy at Mikaela dahil masyadong malayo at wala na akong pamasahe. Isang tao lang ang pwede kong puntahan.

Si Nathan.

I called his number. Matagal iyon bago n'ya sagutin, nalaman ko naman ang dahilan nang sumagot s'ya mula sa kabilang linya.

"Who's this?"

Halatang inaantok pa ang boses n'ya.

"S-sorry Nathan, naistorbo yata kita."

"Jamila?"

"S-sorry talaga..."

Papatayin ko na sana ang tawag ngunit tinawag n'ya ako ulit sa kabilang linya. Narinig ko ang langitngit ng kama n'ya at ang mabilis na pagkilos n'ya dahil sa hangin.

"Anong problema?" tanong n'ya.

"H-hindi na, a-ano kasi baka naistorbo kita."

"You can tell me," seryosong sabi n'ya.

"Pwede ba tayong magkita?"

Matagal bago s'ya sumagot. Ilang kaluskos at tunog ng kung ano pa ang narinig ko bago s'ya muling nagsalita.

"Okay, where?"

"Sa People's Park."

Pinatay ko na ang tawag saka naglabas ng pera mula sa aking bulsa. Singkwenta pesos lang pala ang laman ng bulsa ko dahil naiwanan ko ang wallet ko. Hindi bale, uutangan ko na lang si Nathan. Kakapalan ko na lalo ang mukha ko, tutal ay kinapalan ko na kanina.

Nauna akong nakarating sa People's Park. Wala nang gaanong tao dahil gabi na. Ang huling tingin ko sa aking phone bago ko iyon i-off ay alas dyes ng gabi. Tahimik na naupo ako sa swing at iniugoy ko ang aking sarili. Tumingala ako sa langit na punong puno ng bituwin. Ang ganda ganda at ang payapa, sana maging payapa na rin ang nararamdaman ko. Ang sakit talaga, kapag nakita ko 'yong babaeng iyon ay reregaluhan ko s'ya ng Fungisol! Para mawala lahat ng kati sa vajayjay n'ya! Nakakaimbyerna!

"Tinatawagan kita pero naka-off na ang phone mo. Kailangan ko pa tuloy umikot sa buong park para lang makita ka."

Napalingon ako kay Nathan na papalapit sa swing na katabi ng kinauupuan ko.

"S-sorry, tawag kasi ng tawag si Uno."

Tumango s'ya at saka tuluyang umupo sa swing. Itinulak n'ya ang swing na iyon gamit ang paa n'yang isinayad n'ya sa lupa.

"Ayos ka lang ba?" tanong n'ya akala mo'y hindi n'ya alam.

"Tatawag ba ako sa'yo kung ayos lang ako?"

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now