Chapter Thirty Two.

1.1K 34 4
                                    

Chapter Thirty Two.

Dahan dahang humiwalay si Uno sa pagkakayakap mula sa akin. Sinalubong ng mga mata ko ang malungkot n'yang mga mata. Nanginig ang labi n'ya habang tinititigan ako.

"J-jamila..." He whispered.

Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko habang patuloy na nakatitig pa rin sa kanya. Ngayon ko lang s'ya ulit natitigan ng ganito, iyong malapitan at ang gaan sa pakiramdam at the same time ay ang sakit. Ang sakit dahil ang lapit lapit na n'ya, pero hindi ko pa rin mahawakan dahil pakiramdam ko, ang layo layo n'ya.

Hinawakan n'ya ang batok ko at saka pinagdikit ang mga noo naming dalawa.

"B-bumalik ka na s-sa'kin..." nanginig ang boses n'ya na mas lalong nagpakirot sa puso ko.

Dahan dahan n'yang pinaglapat ang mga labi naming dalawa. Habang parehong umiiyak ay marahang humaplos ang labi n'ya sa akin. Sinabayan ko ang marahang halik na iyon. Isang halik na punong puno ng sakit. Gustong gusto ko na s'yang balikan. Gusto ko nang tapusin ang sakit na ito at alam ko namang s'ya lang ang gamot. Pero natatakot parin ako hanggang ngayon. Na baka may ibang umeksena na naman. Baka may biglang susulpot na namang kontrabida at paghihiwalayin kaming dalawa. Ayokong maramdaman na naman iyong sakit na naramdaman ko noon.

Pinaghiwalay n'ya ang mga labi namin pero pinagdikit n'ya parin ang mga noo namin. He's looking into my eyes with full of sadness. Ngayon lang ulit kami nag usap at ngayon lang din kami nagka-usap ng ganito. Napakasimple ng mga salita, ngunit tagos sa puso naming dalawa.

"P-paano iyong girlfriend mo?" Nagawa kong itanong sa gitna ng aking pagdadrama.

"I don't have a girlfriend."

Lumayo ako sa kanya ng bahagya at nagpunas ng mga mata.

"Eh, kung ganoon! Sino 'yong kahalikan mo kanina?"

Lumapit s'yang muli sa akin at tinulungan akong magpunas ng mga luha ko. Mas inuna n'ya pang punasan ang sa akin kaysa sa kanya.

"Hindi ko s'ya kahalikan. She kissed me, if you didn't notice. Ang mga babae ang lumalapit sa akin, alam mo 'yan, Jamila."

Yumuko ako at saka umiling. Ikinalang ko ang kamay ko sa dibdib n'ya upang bahagya s'yang palayuin sa akin ngunit bumalik iyon sa akin. The moment I touched his hot chest, napalayo agad ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso n'ya na halos marinig ko na.

"E-edi sana palayuin mo sila sa'yo, kung ayaw mo."

Hindi ko s'ya tiningnan. Nanatili akong nakayuko dahil ayoko nang makita ang mga mata n'yang puno ng pagsusumamo.

"Who do you think you are to say that?"

Shit, hihilahin n'ya ako dito para iyan lang ang isagot n'ya sa akin? Ipapamukha n'ya sa akin na hindi na ako parte ng buhay n'ya?!

Nanginig ang labi ko at nagsisimula na namang magbadya ang luha. Gusto ko nang umuwi, ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi!

"Ako si Jamila! Iyong ex fling mo!"

Natatarantang sagot ko at mas lumayo pa sa kanya. Pero sa tuwing lumalayo ako ay s'ya namang pag-lapit n'ya.

"H-huwag ka ng lumapit sa akin, huwag mo na akong kakausapin pa!"

Hinawakan n'ya ang braso ko at mabilis na ipinangko sa likod ng pinto. Doon ako nagkaron ng pagkakataon para tingnan s'ya sa mga mata. He's eyes are full of emotion that I couldn't even read them.

"I love you," he whispered.

Hinampas ko ang dibdib n'ya sa inis. Iyan na naman kasi s'ya, nagpapaasa!

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now