Chapter Three

1.4K 32 3
                                    

Chapter Three

Jamila

"Birthday mo ba talaga?" takang tanong ni Uno kay Shivan.

Natawa si Shivan pagkatapos ay umakbay kay Uno, "Syempre, palusot lang natin 'yon. Ang totoo, iinom lang tayo ng konti."

Napakagat si Uno sa labi at inalis ang braso ni Shivan sa balikat ni niya. Napaawang ang labi ni Shivan dahil sa ginawa ni Uno.

"Hindi ba, ang babata n'yo pa para sa mga ganyang bagay?" kunot noong tanong ni Uno.

"Shit, so totoo 'yong sinabi ni Jamila na huwarang anak ka?" hindi makapaniwalang tanong n'ya kay Uno, "hindi halata sa'yo, ha."

Napapikit ng mariin si Uno 'tsaka bumuntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh, sige. Pagbibigyan ko kayo ngayong gabi," ani Uno.

Nagkatinginan kami ni Shivan. Napangiti si Shivan at mukhang may pinaplano'ng hindi maganda. Ako naman ay nagkibit balikat lang.

"Shot!"

Inabot ni Shivan ang pangalawang tagay kay Uno pagkatapos n'yang uminom. Iiling iling na tinanggap ni Uno iyon at ni hindi nasira ang mukha nang inumin iyon ng diretso. Nagkatinginan kaming muli ni Shivan.

"Kung magtinginan kayo, parang may balak kayong masama, ah? Huwag n'yo kong bebetsinin ha," sabi ni Uno pagkatapos ay dumampot ng mani sa platito.

"Hindi, ah! 'Di kami ganong tao!" depensa ni Shivan.

Kaming tatlo lang ang nag iinuman, wala kasi kaming ma-ayang mga kaibigan dahil mga busy sila. Ang iba naman ay hindi pinayagan ng magulang.

"Ikaw, Jamila? Bakit nakikipag-inuman ka sa amin? Kababae mong tao," pang iintriga ni Uno sa akin.

"Pakielam mo ba?" mataray na tanong ko.

"Sungit mo, para kang menopausal na babae," sagot n'ya 'tsaka ininom iyong tagay n'ya.

Napasinghap ako dahil sa sinabi n'ya. Ano daw? Menoupausal?

"Aba't-"  hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Shivan.

"Exactly, that's how Jamila is," natatawang gatong pa ni Shivan.

Nanlaki ang mga mata ko at pareho ko silang pinagbabatukan.

"So, ano? Bestfriends na kayo?"

Hindi na nila ako pinatulan. Nagpatuloy kami sa pag iinuman hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Si Uno na lang ang nagsabi sa amin na alas onse na at kailangan n'ya na daw'ng umuwi. Bago kami umuwi ay nanghingi pa si Uno ng pabango at pulbo sa akin. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at binigyan s'ya.

"Sige pre, sa susunod ulit," paalam ni Uno kay Shivan bago ito tinapik sa balikat.

Pumasok na sa bahay nila si Uno at saka lang kami nagkatinginan ni Shivan.

"May napansin ka ba?" tanong sa akin ni Shivan.

Nagtatakang nag-isip ako. Ano ba 'yun?

"Wala naman," kibit balikat na sagot ko.

Tinalikuran ko na s'ya at nagsimula ng maglakad pa-uwi sa bahay.

"Hindi s'ya nalasing."

Huminto ako sa paglalakad at muling nilingon si Shivan. Shit, oo nga 'no! Plano pa naman namin ni Shivan na lasingin iyon!

"Oo nga 'no?" gulat na sagot ko.

Tinapik n'ya ang balikat ko at natawa.

"Mali ka ng pagkakakilala sa kanya," nginitian n'ya ako at saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon