Chapter Thirteen

949 31 3
                                    

Chapter Thirteen.

"Ihahatid kita sa inyo, ayos lang ba?" Iyon ang tanong sa akin ni Yael pagkatapos naming mag-lunch kanina.

Hindi naman ako tumanggi doon kaya lang ay nagsisisi ako na hindi ko s'ya tinanggihan dahil mukhang makakasabay ko si Uno sa pag-uwi. Himala at wala s'yang kasamang babae ngayon.

"Tara na?" Nakangiting tanong ni Yael nang makarating ako sa tapat ng gate.

Nararamdaman kong nakatingin parin sa akin si Uno mula sa likuran pero hindi ako nagpaapekto sa awra n'ya. Ayoko ng maging katulad noong mga nakaraang linggo na nagpapaapekto sa bawat kilos n'ya.

"Sige."

Sabay kaming naglakad palabas ng gate. Siya na rin ang pumara ng jeep ng makalabas kami. Marami ang studyanteng nagsisilabasan kaya ini-expect ko na hindi ko na makakasabay si Uno which is tama nga ako.

Nakaluwag ang paghinga ko dahil doon. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga ng maayos dahil malapit s'ya... Parang ang sikip sa dibdib.

"Ayos ka lang ba?"

Nilingon ko si Yael na kakatapos lang magbayad ng pamasahe namin sa jeep. Kaya gusto ko na may kasabay, nililibre ako, eh.

"Mukha ba akong hindi ayos?"

Ngumuso s'ya at tinitigan ako. Ang cute talaga ng pilik mata n'ya!

"Mukhang hindi, na mukhang ayos naman," sagot n'ya.

Inirapan ko na lamang s'ya na naging dahilan ng pagtawa n'ya. Tahimik kami sa byahe. Ang naririnig ko lang ay ang tawanan ng mga grade 7 student na nagkukwentuhan.

"Graduating na ako this year, paano kaya kita makikita araw araw?" Biglang pagbubukas ni Yael sa usapan.

"Hmm?"

Nilingon ko s'ya na nakatingin na pala sa akin ngayon. Masaya ang mga mata n'yang nakatitig sa akin na nakakapapakonsensya sa akin.

"Gagawa na lang ako ng paraan para magkita tayo araw araw next school year." He assured.

Tumawa ako. Hindi makapaniwala sa sinabi n'ya. He really likes me. Hindi ko na nga s'ya masyadong napapansin nitong nakaraan at akala ko ay hindi na s'ya magiging parte pa ng buhay ko pero ito at ang hindi ko inaasahan ay dumating.

"Ano bang nagustuhan mo sa'kin?" Matamang tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat s'ya pagkatapos ay ngumiti.

"I like you for being who you are. The strong Jamillienne."

Nangunot ang noo ko. Gusto n'ya ako bilang ako... Pero bakit n'ya ako nagustuhan gayong masama ang ugali ko para sa iba. Na sa tingin ng ibang mga tao ay malandi ako at papalit palit ng boyfriend.

"Playgirl ako. Bakit mo ako nagustuhan? Siguro tulad ng ibang mga lalaki ay gusto mo lang ring maka-score?"

Umawang ang labi n'ya. Hindi na n'ya iyon nasagot dahil huminto ng ang jeep. May bumaba pala sa mismong bababaan ko rin.

"Bababa na ako." Paalam ko sa kanya.

"Ah, ihahatid kita hanggang don sa kanto n'yo."

Tumango lang ako at nauna nang bumaba sa kanya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip muli. Kung tama ba ang ginawa ko... Na pagbigyan si Yael kahit na padalos dalos ang desisyon ko.

Alam kong hindi ito tama. Pero dati naman ay wala akong pakielam kung makakasakit ako o hindi eh. Parang ngayon ko lang din napapansin. Na ang bawat kilos ko ay pinapansin ko na. Na hindi na ako 'yong dating Jamila na sinusunod ang gusto. Na ako na iyong Jamila na iniisip na muna ang mararamdaman iba. Nag-matured na ba ako? Ito na ba 'yong sinasabi nila?

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now