Chapter Ten.

1K 25 0
                                    

Chapter Ten.

"What are you doing?" He asked.

Napakurap kurap ako. Nangatal ang labi ko sa gulat. Binawi ko na lamang ang kamay ko at mabilis na tumayo.

"A-ano kasi... dinalhan kita ng lugaw. Kainin mo bago lumamig." Paliwanag ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Baka isipin n'ya na hahalikan ko s'ya? Bakit ko ba kasi naisipang hawakan ang sugat n'ya? 'Yong sa akin nga ay wala akong pakielam.

"Papasok ka ba sa school?" Tanong n'ya.

The screech of the bed made me jump. Sa gulat ko ay napaatras ako at nalingon sa kanya. Nagtataka naman s'yang tumingin sa akin. He's not wearing a shirt! Topless s'ya, ngayon ko lang napansin kasi nakatalukbong ng kumot ang buong katawan n'ya kaninang nakahiga s'ya. Ngayong nakaupo na s'ya ay nakita ko na.

"Bakit gulat na gulat ka?" Tanong n'ya.

Umiling ako at ngumiwi. I've seen Jayson's body but his body is more built. Hindi ko alam. Siguro ay dahil mas laki sa hirap si Uno noong nasa probinsya pa sila. Iyon ang kwento ng kanyang papa.

"Uuwi na ako," paalam ko.

Tatalikuran ko na sana s'ya kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa biglaan n'yang pagtayo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang...

Oh my gosh! Naka-brief lang s'ya!

"Shit, sorry!" mura n'ya.

Ako naman ay dali daling nagtakip ng mga mata at tumalikod. Atleast, hindi ko masyadong nakita 'di ba? Nataranta kasi ako. Sobrang init ng pisngi ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Uuwi na talaga a-ako." paalam ko at maglalakad na sana paalis kaya lang hinawakan n'ya ang bewang ko. Hindi ko pa rin inaalis ang dalawang palad ko sa mukha ko. Pero parang may kuryenteng dumaloy mula sa braso n'ya papunta sa bewang ko. Oh, boy. What are you doing to me?

"Dito ka muna, mukhang ang dami mong dinala. Sabay na tayong kunain."

"N-nakabihis k-ka na ba?" Nauutal kong tanong.

"Ah, y-yeah."

Dahan dahan kong inalis ang takip sa mga mata ko at una kong sinilip iyong... pang ibaba n'ya. Nang makitang sigurado na mayroon na nga ay saka ko lang tuluyang inalis.

"Oh, sige." pagpayag ko.

Nag aalangang ngumiti s'ya sa akin. He walked towards his side table. Kinuha n'ya 'yong tupperwear at binuksan iyon habang ako ay tahimik na nakatayo lang sa harapan n'ya. Kinuha n'ya 'yong kutsarang kasama sa inilagay ko doon at tinikman ang lugaw.

"It's still hot. Kainin na natin bago lumamig," he said then tilted his head to me. "Come on, let's eat."

Tumango ako at naglakad na palapit sa papag niya at naupo roon. Hindi dapat ako ganito kung kumilos sa harap n'ya. I should be the old Jamila. Iyong matapang at walang inuurungan.

"Isa lang ang kutsara." Sabi n'ya sabay upo sa tabi ko. "Susubuan na lang kita."

Kinunotan ko s'ya ng noo.

"Wow ha, wala ba kayong kutsara?"

Parang bigla s'yang nagulat sa sinabi ko. "You're back on being like that to me?"

Umirap ako sa kanya at hinablot ang kutsara mula sa kanya saka ako na ang unang sumandok sa lugaw.

"Katamaran mo, kung ayaw mong kumuha ng kutsara ako ang unang susubo. Salitan tayo ng kutsara."

Sumubo ako sa kutsarang may lamang lugaw. Nginuya ko 'yon saglit saka nilunok na. Inabot ko sa kanya ang kutsara but when he didn't respond, nag angat ako ng tingin sa kanya. Naabutan ko s'yang nakanganga habang nakatingin sa akin. Anong problema nito?

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now