Chapter Thirty.

1K 29 2
                                    

Chapter Thirty.

"'Cause you don't have to worry, it's a happy ending story!"

Kumakanta si Mikaela habang tinutulungan ako sa paggawa ng kape dito sa coffee shop ni mama. Nag-volunteer kasi kami ni Mikaela na maging barista ngayong araw dahil pinag-day off muna namin ang mga barista. Wala pa kasi silang day off dahil marami ang costumer at kahit na linggo ay bukas ang coffee shop ni mama.

"Tama ba 'yong lyrics ko? Parang mali eh," biglaang tanong ni Mikaela.

"Hindi ko rin alam, hindi ko alam 'yang kanta na 'yan, eh." Natatawang sabi ko.

Nag angat ako ng tingin kay Mikaela. Nakatingin s'ya ngayon sa mga costumer na nagkukwentuhan sa kani-kaniyang table.

"Hay, nakakamiss naman ang barkada natin. Miss na miss ko na si Madeline at Roxy," bumuga s'ya ng buntong hininga.

"Karen! Here's your coffee!" Sigaw ko at tumayo naman iyong isang babae hindi kalayuan dito sa counter.

Kinuha n'ya ang kape n'ya at nagpasalamat sa akin. Nginitian ko lang din s'ya at sinabihang mag-enjoy at saka ko nilingon si Mikaela na nagda-drama sa tabi ko.

"Magsasama-sama rin tayo, someday." I assure her.

Tumango s'ya saka pumangalumbaba.

"Sana nga,"

Naupo na muna ako dahil wala pa namang umu-order. Ang dami ko nang pinasahang resume pero wala paring tumatanggap sa akin. Kapag nainis na ako, baka magkatulong na lang ako kahit na HRM ang kinuha kong degree program. Kaloka, ilang hotel na ba ang pinasahan ko ng resume.

"Sabi ko kasi sa'yo, tanggapin mo na 'yong offer sa'yo ni Cash. Mas ayos doon kasi kaibigan mo si Cash."

Umirap na lamang ako. Ayos naman sana doon sa Brilliantes magtrabaho, ang kaso kasi kilala ko si Cash at baka sa condominium ng mga Brilliantes n'ya ako pagtrabahuin. May condo doon si Uno! Ayokong magtagpo na naman ang mga landas naming dalawa.

Matagal na kaming hindi nag-uusap na kaming dalawa lang. Alam ng barkada ang tungkol sa aming dalawa noon pero hindi na lang nila binabanggit. Isang beses kasi na binaggit iyon ni Cash ay hindi kami pinansin ni Uno nang halos isang buwan. Sinuyo suyo pa ni Cash ang gago para lang makipag-usap ulit sa amin. I mean, sa kanila lang pala. Kasi kung kakausapin n'ya ako ay para akong may sakit na dapat iwasan. Bumalik s'ya sa pagiging babaero. Walang linggong wala s'yang kasamang babae. Palaging meron at paiba iba. At ang sakit isipin na isa ako sa mga babaeng natikman na n'ya.

"Nagyaya 'yong boyfriend ko, mag-bar naman daw tayo!"

Inilingan ko si Mikaela. May usapan kasi kami ni Nathan mamaya.

"Ay grabe! Minsan lang 'to, hindi mo pa ako pagbigyan?"

"Eh, kasi, naka-oo na ako kay Nathan mamayang gabi."

Sumimangot s'ya at saka ako sinamaan ng tingin.

"Susunduin ka ba n'ya mamaya?"

Tumango ako at saka ginawa na ang kapeng in-order.

"Sige, sasabihan ko s'ya na sumama na lang sa atin."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ikaw talaga! Kahit kailan, bad influence ka! Ni hindi nga marunong uminom ng alak 'yong tao."

Ngumisi s'ya at halata sa mukha n'ya na may binabalak s'yang masama. Nasapo ko na lang ang noo ko. Si Mikaela talaga, kahit kailan hindi parin nagbabago.

Pagkatapos nga ng trabaho namin sa coffee shop ni mama ay dumating si Nathan. Kinindatan n'ya ako 'tsaka dumiretso sa loob para magpaalam kay mama. Alam na alam na talaga n'ya ang gagawin.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon