Chapter Twenty Three.

1K 34 11
                                    

Chapter Twenty Three.

Nakiliti ako sa ginawa n'yang pag-bulong sa'kin. Tila may kung anong kuryenteng dumaloy mula sa kanyang hininga papunta sa aking batok. Kinakabahan na ako sa hindi ko malamang dahilan. Kusa akong napalingon sa kanya at nang saktong paglingon ko sa kanya ay ang pagsapo n'ya ng beywang ko gamit ang braso n'ya.

Malapad ang ngiti n'yang ipinukol sa akin. Itinukod ko ang kamay ko sa kanyang dibdib upang bahagya s'yang masulyapan. Paano ba naman kasi, ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"A-anong binabalak mong gawin?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Alam ko na kung anong balak n'yang gawin. Pero ayokong mangyari iyon. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako bibigay pa sa kahit na sinong lalaki hangga't hindi kami kasal.

"Papasagutin na kita..." bulong n'ya at saka mabilis akong hinalikan sa labi.

Halos malunod ako sa paraan ng pag-halik n'ya. Ang mga labi namin ay marahas na nagtatama kasama ng dila. Hindi na ako halos makahinga. Ang kamay kong namamahinga sa kanyang dibdib ay napakapit ng mahigpit sa kanyang suot na t-shirt.

"Uhmp..."

Sa tuwing makakakuha ako ng hangin ay nagiging ungol ang dating niyon. Mayamaya pa ay bumaba ang halik n'ya papunta sa aking pisngi hanggang sa aking panga. Bahagya n'yang dinidilaan ang leeg ko. Nakalimutan ko bigla iyong pangako ko sa sarili ko. Bigla iyong nawala sa isipan ko.

Nang akala ko ay bababa pa s'ya hanggang sa dibdib ko ay nag-ready na ako. Hawak na n'ya ang laylayan ng suot kong off shoulders na damit nang bigla s'yang lumuhod.

"Jamila, I know it is difficult to answer. Hirap na hirap ka ngang sagutin ako bilang boyfriend mo..."

Umawang ang labi ko sa ginawa n'ya. Nakatingala s'ya sa akin habang ako ay tulala sa kanya.

"Jamila, I know that this is not a romantic place to ask you for this... but I want you to know that my life isn't enough without you. I don't know how to live without you 'cause I love you."

Napakurap kurap ako sa sinabi n'ya. He loves me?

"Paki-ulit ng sinabi mo..."

Nagtatakang kumunot ang noo n'ya.

"Mahal ko, ang haba ng sinabi ko. Hindi mo ba narinig?" malambing na tanong n'ya.

"Hindi iyon, 'yong huling sinabi mo."

Tumango s'ya at saka may kung anong kinuha sa kanyang bulsa. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Inilabas n'ya mula sa kanyang bulsa ang isang singsing. Halatang hindi iyon mamahalin pero shit, kahit hindi 'yon mamahalin, grabe parin ang kaba sa puso ko!

"I love you and I want you to marry me, Jamillienne Hernandez."

"Uno..."

"Jamila, hindi naman natin kailangan magpakasal agad. Pwedeng pagkatapos ng graduation natin. Ayoko na kasing mawala ka pa. Baka mamaya agawin ka pa ng iba."

Umupo ako para magpantay kami at inilahad sa kanya ang kamay ko. Naguguluhang tiningnan n'ya ako sa mga mata.

"Isuot mo na."

Nakagat n'ya ang labi n'ya dahil sa pinipigilang tuwa. Dahan dahan n'yang isinuot ang singsing sa ring finger ko bago ako hinalikan muli. Mabilis lang iyon pero mas masarap iyon sa puso. Sunod na hinalikan n'ya ay ang aking noo bago ako niyakap.

"No love making until our wedding. Gusto ko, pareho nating hihintayin 'yon kahit na hindi naman na tayo parehong inusente." he said then chuckled.

Binuhat n'ya ako mala-bride. Nakakapit naman ako sa kanyang leeg. Nakakainis, ang gwapo gwapo n'ya ngayon lalo na at nakangiti s'ya.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now