Chapter Four

1.2K 31 4
                                    

Chapter Four

"Sinong tinitingnan mo?" tanong ni Gerald sa tabi ko.

Natauhan lang ako doon at muli kong ibinaling ang tingin kay Gerald.

"Ah, w-wala! Tara na," nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti rin s'ya pabalik at hinawakan na ang bewang ko. May mga sinasabi pa s'ya habang naglalakad kami pero hindi ko iyon pinapansin, panay lang ang oo at hindi ko. Ganito naman talaga ako sa lahat ng nagiging boyfriend ko, eh.

"Pagkatapos ng movie, punta tayo sa bahay?" nakangiting alok sa akin ni Gerald.

"Ah, why?" tanong ko pabalik.

Alam ko naman kung ano ang balak n'ya. Kilala ko ang ugali ng mga kaibigan kong lalaki at alam na alam ko na kung anong mga nasa isip nila. Kabisado ko na ang mga iyon!

"Alam mo na..." he said then winked.

Nginitian ko s'ya nang matamis. "No, hindi ako sumasama sa bahay ng boyfriend ko."

Bigla s'yang sumimangot pagkatapos 'non ay hindi na n'ya ako pinansin pa sa buong panunuod namin ng movie. Wala akong pake, mamaya rin naman ay makikipaghiwalay na ako sa kanya. Wala akong mapapala sa lalaking ito.

"Babye, be! Ingat sa pag uwi!" nakipagbeso sa akin si Roxy, kasunod si Madeline at Mikaela bago umalis.

Nilingon ko si Gerald na nasa tabi ko, nakapamulsa at nakasimangot. Marahan ko s'yang hinampas sa balikat.

"Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala, halika na at ihahatid kita sa inyo," alok n'ya 'tsaka hinawakan ako sa kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Galit ka, eh!" singhal ko sa kanya.

"Nakipagrelasyon ako sa'yo dahil iniisip ko na baka sa'yo, ma-experience ko na iyong sinasabi ng mga kaibigan ko," sabi n'ya.

Napahinto ako sa paglalakad at kunot noong nilingon s'ya. "What do you mean?"

"You had a lot of ex. Marami ka namang experience hindi ba? Pwede ko bang subukan?"

Hinila ko ang kamay ko na hawak n'ya at bahagyang lumayo sa kanya. Luminga ako sa paligid at mabuti na lamang, kaunting lang ang mga taong dumadaan.

"Kung iniisip mo, na ganong klaseng babae ako katulad ng mga babaeng sinusyota ng mga barkada mo, pwes ibahin mo ako!" bulyaw ko sa kanya.

"What? Acting like a virgin, ha?" he said playfully.

"Yes, I may not a virgin but ever since that night when I gave myself with that wrong guy, hindi na ako sumasama sa bahay ng mga nagiging boyfriend ko!"

Sumisikip na ang dibdib ko. Naaalala ko na naman iyong gabing iyon, iyong gabing naging sobrang tanga ako.

Tinalikuran ko na s'ya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Mainit dahil tanghaling tapat pero hindi ko iyon ininda. Should I stop seeing another guy? No, kapag hindi na ako nagboyfriend iisipin ng mga kaibigan ko na mahina ako at na-inlove ako sa ex ko which is I don't want them to think of. I'm not weak. Ayokong may makakakita ng kahinaan ko.

"Jamila!" tawag n'ya sa akin.

Hindi ko s'ya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Baka mamaya, maiyak pa ako sa harap n'ya na hinding hindi ko gagawin. Wala pang nakakakita sa akin na umiyak, maski isa sa mga kaibigan ko.

Bumuga ako ng malalim na hininga at binilisan na lamang ang paglalakad bago pumara ng jeep. I am strong, no matter what, I am strong.

-

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now