Chapter Sixteen.

982 27 3
                                    

Chapter Sixteen.

"Mama!"

Dali dali akong lumabas ng gate at niyakap si mama. Masayang sinalubong n'ya rin ako at niyakap. Si papa ay ginulo ang buhok ko bago pumasok na sa loob na ng bahay.

"Ma, buti at umuwi na kayo, mababaliw na ako kapag ako lang mag isa. Naaalala ko palagi si lola."

Lumungkot ang kaninang masayang mukha ni mama.

"Pasensya ka na, anak. Kung hindi kamu nakauwi last week. Gusto ko nga palang dalawin si mama sa puntod n'ya..." malungkot na sabi ni mama.

"Sige po, sasamahan ko po kayo mamaya, ma."

Tumango s'ya saka kami nagpasyang pumasok na sa loob ng bahay. Papasok pa lang kami ay panay na ang hikbi ni mama. Lalo na ng makapasok kami sa loob ng bahay. Nauna n'yang pinuntahan ang kwarto ni lola. Napayuko na lang ako habang pinapakinggan ang daing ni mama.

"M-ma, s-sorry hindi ako nakapunta 'nong l-libing m-mo..." Umiiyak na daing ni mama.

Imbes na umiyak ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko para magbihis. Papasok na ako sa school ngayon.

Pagkatapos magbihis ay naabutan ko si papa na naghahain ng pagkain sa lamesa.

"Binili ko ito sa restaurant ni Juanito. Kain ka na, anak?" Nakangiting alok sa akin ni papa.

Tumango ako, "si mama?"

"Nakatulog s'ya sa kakaiyak, doon sa kwarto ng lola mo. Hayaan na muna natin s'ya."

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni lola bago ibinalik ang tingin sa hapag.

"Sige po pa."

Habang kumakain ay tahimik lang kami ni papa. Hindi kami nag uusap masyado. Siguro dahil sa lungkot na awra ng bahay. Pero bago ako matapos kumain ay kinausap ako ni papa.

"Papasok ka ba, 'nak?"

Tumango ako pagkatapos ay uminom ng tubig.

"Nga pala, hihintayin ka daw 'nong anak ni Juanito sa labas ng bahay."

Naibaba ko kaagad ang baso ko sa lamesa nang sabihin iyon ni papa. Bakit s'ya maghihintay sa akin?

"K-kanina pa po ba s'ya naghihintay?"

Nagkibit balikat si papa.

"Kanina ay kumakain pa s'ya noong sabihin n'ya sa akin iyon."

"Sige po, pa. Papasok na po ako sa school. Pag uwi ko po, sasamahan ko kayo sa sementeryo."

Nginitian ako ni papa. Naglakad ako papalapit sa kanya at humalik sa pisngi n'ya.

"Sige anak, aliwin mo ang sarili mo sa pag aaral at sa mga kaibigan mo."

Pagkatapos 'non ay lumabas na ako ng bahay. Tulad ng sinabi ni papa ay nandoon nga si Uno sa labas ng gate. Nakatayo habang nakapasok ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon n'ya at ang isa ay hawak ang phone n'ya. Kaliwete talaga ang isang 'to.

"Uno."

Binuksan ko ang gate at saka lumabas. Hindi n'ya ako narinig dahil hindi agad s'ya lumingon. May nakasuksok palang earphone sa tenga n'ya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinila ang earphones na nakakabit sa tenga. Awang ang labi n'ya nang lingunin n'ya ako. And I swear, ang gwapo n'yang tingnan.

"Oh, nandyan ka na pala." He said then smiled at me.

"Oo, hindi mo 'ko napansin kasi busy ka."

Tumaas ang kilay n'ya at napangiti.

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now