Chapter Twenty Eight.

956 23 2
                                    

WARNING: SPG

Chapter Twenty Eight.

"Graduation na three weeks from now! I'm so excited to see you again, Jamila!" masayang sabi ni Mikaela mula sa phone.

Lunch ngayon at kakatapos ko lang kumain nang bigla s'yang tumawag. Hindi ko kasabay si Uno sa pag-kain dahil busy daw s'ya, ayon sa text n'ya. Busy siguro sa mga babae n'ya!

"Oo nga eh, marami akong ikukwento sa'yo."

Natawa s'ya sa kabilang linya at saka narinig ko ang tunog ng kutsara. Mukhang kumakain pa ang isang ito.

"Iyong tungkol sa inyo ni Uno, kinuwento na sa akin ni Cash."

Putrages na Cash iyan, kahit kailan talaga 'yong bibig 'non ang sarap tahiin.

"Si Cash talaga, ang paepal."

"You know, right?" Humalakhak ulit s'ya sa kabilang linya.

Pagkatapos naming mag-usap ay naglakad na ako patungo sa room pero bago pa ako makalapit sa pinto ay tinawag ako bigla ni Nathan. Nilingon ko s'ya mula sa aking likuran. Hinihingal na inabot n'ya sa akin ang panyo ko. Ngayon ko lang napansin na nawala pala iyon.

"H-hiningal a-ako, h-ha!"

Bumuga s'ya ng malalim na hininga bago nag angat ng tingin sa akin. Inabot ko na ang panyo ko at binulsa iyon.

"Salamat."

Naglahad ulit s'ya ng kamay. Nangunot ang noo ko dahil mukha s'yang nanghihingi ng pera sa akin. Dumukot naman ako sa bulsa ko at kinuha ang wallet ko pero marahan n'ya iyong tinabig.

"Akin na ang phone mo at ilalagay ko ang number ko d'yan."

"Bakit naman?"

"Para kapag may kailangan ka sa akin, tawagan mo lang ako."

Nagdadalawang isip man ay inabot ko sa kanya ang phone ko. Inilagay n'ya nga roon ang numero n'ya. Natawa pa nga ako sa pangalan na inilagay n'ya, eh. Nathan, my friend.

"Kailan pa kita naging kaibigan? Hindi ba, ayaw na ayaw mo sa akin noon?"

Umiling s'ya saka ngumiti.

"Noon 'yon, Jamila."

Tinapik n'ya ang balikat ko at saka nag-wave.

"Pasok na ako, ikaw din!"

Buong araw ay mas naging maayos ako. Akala ko ay pupunuin ng inis tungkol sa nakita ko kaninang umaga ang buong sistema ko pero hindi. Nawala iyon na parang bula dahil sa mga text na sinisend sa akin ni Uno.

Nang matapos ang klase ay nagtext ulit si Uno na hinihintay na raw n'ya ako sa harap ng school. Handang handa na akong bulyawan sigawan at murahin s'ya ngunit nang makarating ako roon at binuksan ko ang pinto ng kotse n'ya ay madali n'yang hinawakan ang bewang ko at inangat ako papasok sa kotse n'ya.

"Uno!" hiyaw ko.

Inikandong n'ya ako sa kandungan n'ya at isinubsob n'ya ang ulo n'ya sa leeg ko.

"I miss you." Bulong n'ya sabay halik sa leeg ko.

"Mukha mo," naiinis na sagot ko sa kanya saka ako nagpumilit na kumawala sa kandungan n'ya at naupo sa tabi n'ya.

"Pshh," iyon na lamang ang naisagot n'ya saka n'ya pinaandar ang sasakyan.

Buong byahe hanggang sa bahay ay hindi na kami nagkibuan. Pero nang ihinto n'ya ang kotse sa harap ng bahay namin ay hinila n'ya ang kamay ko at agad na siniil ako ng halik.

"Sa susunod mahal tatanungin mo na ako ha?" yumakap si Uno sa tagiliran ko at saka ako pinaghahalikan sa pisngi.

"Eh, bakit suot n'ya 'yong damit mo?"

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now