01: The Myth

18.5K 495 97
                                    

Chapter 1: The Myth




White, everything is white. Walang ibang kulay sa bahay namin kundi puti lang. Mula sa kisame, pader, sahig, furnitures, vases, flowers lahat ng gamit ay puti. And I think it's creepy, kung 'di lang ako lumaki sa ganitong sitwasyon.

"Tomorrow will be your 17th birthday." Paalala ng lolo sa'kin habang nakaupo ngayon sa upuan n'yang tumba-tumba na dumuduyan sa kan'ya sa veranda sa taas ng bahay.

Ganyan nalang s'ya lagi, mula nung bata pa'ko pinapaalalahanan n'ya ako sa ikalabinpitong kaarawan ko at bukas na bukas ay mangyayari na'yon. Ang pinakahinihintay na araw ni lolo.

"Alam ko po." Sagot ko at dumungaw sa labas nitong bahay na pinapalibutan ng malalaking punong kahoy at mga halaman.

Nasa gitna kami ngayon ng gubat, sabi kasi ni lolo dapat daw akong tumira sa gubat sa loob ng 100 araw at gabi bago ang kaarawan ko. My birthday is on the 13th day of May, kaya naman February palang ay dapat andito na kami.

Pero iba ang ginawa ni lolo, dahil dito n'ya na ako pinalaki sa gitna ng gubat at dito narin ako nagkaisip.

Limang tao lamang ang nakilala at nakita ko sa buong buhay ko. Walang iba kundi si lolo, tita, tito at ang dalwa kong pinsang sina Kate at Lance.

Wala akong kakilala, dahil buong buhay ko ay ginugol ko sa piling ng gubat na tintirhan na'min. Sa gubat na'to nararamdaman ko ang lamig ng haplos ng hangin, ang malalambing na huni ng ibon at ang napakasarap na kaluskos at sayaw ng mga dahon ng puno.

"Prepare yourself Faith." Paalala n'ya pang muli. Tinignan ko naman ang sarili kong repleksyon sa glass wall nitong bahay. Maputing damit, makinis na balat, mahabang buhok, magandang katawan. Ugh! Alin na naman ba dito ang sisirain ko?

Kadakaarawan ko kasi ay imbis na pagandahin nila ako ay nilalagyan nila ako ng pasa, peklat, sugat o kung ano mang makakapagpapanget sa imahe ko. Ang pinagtataka naman nila ay ang agarang paghilom ng mga sugat at pasa ko.

Ayaw na ayaw nilang gumanda ako sa kaarawan ko, lalonglalo na bukas na ika-labinpitong kaarawan ko na.

"Don't worry lolo, I can still remember the story." Sabi ko habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa sarili kong repleksyon.

Fvck this, feeling ko ako lang yung nag-iisang dalaga sa buong mundo na pinapapanget ng angkan n'ya.

"Then let me hear the story from you Faith." Sabi ni lolo at sinandal ang sarili n'ya sa bangko at pinikit ang mga mata n'ya.

Pumakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. This story, the story from my ancestors, the story they want to keep forever.

"Proserpine, isang napakagandang Diyosa sa bundok ng Olympus. Anak s'ya ng Dyosa ng anihan-"

"Demetre, Goddess of crops and vegetations." Pang-eepal ni lolo sa kwento. Napangiwi nalang ako dahil sa ginawa n'ya. Tss, kung s'ya nalang kaya ang magkwento?

"Masaya s'yang namumuhay rito kasama ang kan'yang ina at iba pang mga dyosa." Pagpapatuloy ko sa kwento.

"Cut it." Napatigil ako sa pagsasalita nang umepal na naman si lolo.

Anong problema n'ya? I haven't reach the climax yet!

"H'wag mo nang ipagpatuloy, alam kong hanggang ngayon ay hindi mo parin kabisado ang buong kwento at masmabuti na 'yon." What? I thought that story should be kept forever?

Ako nalang ang nag-iisang babae mula sa angkan namin na dala ang apelyido. Ako nalang ang pag-asang pagsasalinan ng lahi, tapos ngayon ayaw nilang ipakabisado sa'kin ang kwento?

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now