23: Hell Royalty

6.2K 229 7
                                    

Chapter 23: Hell Royalty






"Mamimiss ko kayo tsong" ani Hermes at kunwaring naiiyak.

"Shut the fvck up Hermes, nakakadiri ka. Baka akalain ng mga bata baliw ka!" Saway ko sa katarantaduhang ginagawa nito.

"Tss, masyado nga akong gwapo sa paningin nila-aray!" Reklamo nito nang bigla s'yang batukan ni Ares.

Nandito kami ngayon sa ilog ng Styx. Babalik na kami ni Hades sa impyerno kasama ang mga bata habang nandito naman ang dalawang baliw para magpaalam sa'min.

"Sheol! Para sa'yo 'to dahil matapang kang bata" sabi ni Ares at inabutan ng isang espada si Sheol na nasa lalagyan nito. Hindi ba masydo pang bata si Sheol para rito?

"Salamat po" magalang na saad ni Sheol at inabot ang espadang mataas pa sa kan'ya. Sinabit n'ya ito sa katawan at nilagay sa likod, mukha na tuloy s'yang batang mandirigma dahil gaya namin ni Hades ay nakasuot na sila ng itim ni Angel.

"

Uy Angel, akin nalang yang si-"

"Kay Ama ko lang po ipapahiram ang kaibigan ko, bleeeh!" Sabi ni Angel habang yakap nito ang kaibigan n'yang laruan na si Hello Kitty.

Seriously, whats with that fvcking toy? N'ong nakaraang araw pinag-awayan 'yan nina Hades at Hermes, ngayon naman kasama na si Angel sa pag-aagawan nila.

"Buy your own Hello Kitty asshole." Hayss, kahit anong gawing saway ko sa mga gagong 'to na wag magmumura dahil maririnig ng mga bata ay wala paring nangyayari. They keep on cussing, what can I do? I even do cussing.

"Sabi ko nga andito na si Charon" nanghihinayang na wika ni Hermes. Hindi ko alam kung saan s'ya nanghihinayang sa pag-alis ba namin o sa laruang Hello Kitty.

"Ikinalulugod ko pong makita kayong muli mahal na hari at reyna" magalang na saad ng bangkerong si Charon nang makarating ito sa dulo ng ilog.

Gusto ko sanang kunin muli ang singsing sa kan'ya kaso lang baka marinig ni Hades, nakakahiya.

Sumakay na kaming apat sa bangka at dahandahan namang nagsagwan si Charon para simulan ang paglalayag. "Sa castle po ba tayo pupunta? Marami po bang flowers doon? Magiging princess na po ba ako?" Sunod sunod na tanong ng musmos na si Angel.

"Maybe" Hades answered.

Nasa kalagitnaan palang kami nang biglang nakatulog si Angel habang nakakandong kay Hades, si Sheol naman ay nasa pinakadulong bahagi ng bangka at seryosong nakatingin sa tubig. Para tal'gang hindi bata kung mag-isip si Sheol.

Napangiti nalang ako habang naiisip ang lahat. Parang presko parin sa'kin ang lahat ng pangyayari, sandali lang kasi kami sa mundo ng mga mortal kaya hindi kami masyadong nakapagliwaliw doon.

Muli ay naramdaman ko naman ang napakabilis na tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ng demonyong si Hades.

"I know you're heart can feel the bliss" he said.

"Thank you for making me feel it" I answered with a genuine smile. This is me, this is really Proserpine. The goddess who is really inlove with this demon.

"It's my duty as your king" he said while staring at me with his sincere demonic eyes.

His demonic personality looks like an angel.

'Di ko mapigilang di mapangiti. Langyang demonyo 'to. "Nandito na po tayo mahal na hari't reyna" sabi ni Charon nang makarating kami sa kabilang dulo ng ilog. Nasa impyerno na kami.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now