14: Hell's Unwanted Visitor

7.8K 266 29
                                    

Chapter 14: Hell's Unwanted Visitor



Nandito kaming lahat nakaupo sa harap ng mahabang hapag hindi para kumain kundi para mag-usap.

Mag-usap nga ba? Tahimik lang kaming lahat na para bang naghihintay kung sino man ang babasag ng nakakabinging katahimikan.

Parehong nasa pinakadulong bahagi nitong mesa sina Hades at Demeter samantalang magkaharap naman kami ni Hermes sa gilid na malapit kay Hades at magkaharap naman sina Sterope at Ares na malapit kay Demeter.

Seryosong nakakatinginan sina Hades at Demeter na para bang may pinag-uusapan gamit lamang ang kanilang mga mata. Ugh, fvck I hate this kind of atmosphere.

Sarap nilang pag-untugin. Balit di sila nagsasalita?

Para bang walang plano sina Ares at Hermes na ibuka ang kanilang mga bibig dahil takot sila kay Demeter. Ugh, sa talas ba naman ng mga dila nila.

Sila nalang kaya ang pag-untugin ko.

"Masaya akong nakita ang anak ko." Pambabasag ni Demeter sa katahimikan. Pero parang hindi parin bumababa ang tensyon sa'ming lahat.

"Hindi pa ngayon ang panahon para kunin mo s'ya sa'kin." Seryosong saad ni Hades.

Tama, nahahati ang panahon ni Proserpine. May panahon na uuwi s'ya sa Olympus para makasama ang ina.

"I know, I'm just here to visit her... is she fine?" Tanong nito kay Hades.

Magkaaway ba tal'ga ang dalawang 'to? "She's fine." Maikling sagot ni Hades.

"I asked Hecate about her and she told me that my daughter is now in a mortal body."

Fvck! Pa'no nalaman ni Hecate ang tungkol d'on? "Damn!" Rinig kong bulong ni Hermes habang seryosong nakatingin sa baba.

May problema ba? "Yes, but my queen will be safe if-"

"No, my daughter will be safe if she'll stay with me." Pagputol ni Demeter sa nais sabihin ni Hades.

Fvck! Kung mag-usap sila parang pag-aari nila ako. My daughter, my queen tss I can decide on my own even without consulting them. They're both paranoid.

"My queen will-" hindi pa natatapos magsalita si Hades nang putulin na naman itong muli ni Demeter.

"My daughter will-"

"Stop it!" Pagputol ko sa usapan nila. Hinampas ko ang mesa gamit ang kamay ko na naging dahilan para umalingawngaw ang isang ingay. Tumayo ako at napako ang mga mata nila sa'kin.

Fvck it! Ba't ba nagkakaganyan silang lahat? "I don't want to live with both of you!"

"But my-" sabay nilang sabi pero muli ko na naman itong pinutol.

"Gusto kong bumalik sa lupa, sa mundo ng mga tao, sa mundo ng mga buhay. Yes, I am Proserpine but I have no capacity to be her because I'm still a mortal, I just need to be Faith for the mean time." I hope they'll hear my pleas.

Parehong napabuntong hininga sina Hades at Demeter. Wala na silang magagawa. They need to acquiesce because it's my own will.

Sana pumayag kayo.

"I'll talk to Attis regarding to this problem." Ani Demeter.

Attis? Who's that?

"Why do you need to talk with the minor god of rebirth, Demeter?" Tanong sa kan'ya ni Ares. Kanina pa tahimik na nakikinig si Sterope dahil alam n'yang wala s'yang karapatan para mamagitan sa usapan ng mga diyos at diyosa.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now