19: Fallen Angels

6.4K 234 16
                                    

Chapter 19: Fallen Angels




"Heeeeellooooo Kiiitty" hiyaw ni Hermes habang nilalaro ang laruan nung batang nakilala ko kahapon sa mall.

"Itigil mo nga 'yan!" Reklamo naman sa kan'ya ni Ares na nanonood sa bago n'yang dating na T.V. , nagpadeliver daw kasi s'ya ng bago kanina.

Tahimik lang ako ngayong nanonood ng T.V. pero hindi parin maalis sa isip ko 'yong magandang bata kahapon na binigay ang kaibigan n'yang laruan sa'kin. Kumusta na kaya s'ya?

"You're thinking about what?" Napalingon ako kay Hades na nakatopless na naman habang nasa tabi ko rito sa isang sofa.

"You're topless again" sagot ko at lumagok ng wine na hawak ko.

"Yeah" maikling sagot nito at inagaw kay Hermes ang nilalaro nitong si Hello Kitty.

"Tsong naman! Naglalaro pa-"

"Shut up! Buy your own Hello Kitty if you want" Napakamot nalang ng ulo si Hermes at walang nagawa sa pang-aagaw ng laruan ni Hades. Tss, childish and immature gods.

Patuloy lang kami sa ginawa naming panonood nang may isang babae ang sumulpot sa harapan namin "Nakakaloka!" Hiyaw nito at tinignan kaming lahat.

Nag-teleport s'ya?! S-san s'ya galing? Sino s'ya? "Huy! Ba't kayo nakatunganga d'yan?" Tanong n'ya at agad na umupo sa sahig at ininom ang wine na nasa bote.

"Kelan kapa dumating?!" Gulat na tanong sa kan'ya ni Ares.

"Jusko! Kambal ba tayo o hindi?! Kita mo nga di'ba? Kararating ko lang! Wag ka ngang tangatanga Bal!" Sabi nong babae. Wait- kambal s'ya ni Ares? Ibig sabihin s'ya si-

"Eris" rinig kong tawag sa kan'ya ni Hades.

"Oh, oo nga pala Hades. Hi pala sayo Proserpine." Nakangiting bati nito sa'kin at kinawaykaway pa 'yong kamay n'ya.

"Anong nalaman mo Bal?" Tanong sa kan'ya ni Ares at nilagok ang hawak nitong wine.

"Kailangang kumain ni Proserpine ng ambrosia." sagot sa kan'ya ni Eris.

"Ambrosia?" Sabay-sabay naming tanong.

"Ay ganun? Kailangan lahat kayo sabay-sabay? Ambrosia nga di'ba?" Pamimilosopo sa amin ni Eris.

"Ba't kailangan pa n'on?" Tanong ni Hermes na ngayon ay nakatingin sa Hello Kitty na hawak ni Hades.

Seriously, whats with that toy?! Kahapon pa yan pinag-aagawan nina Hades at Hermes.

"Para maibalik ang pagiging imortal n'ya. Isa nga s'yang dyosa pero wala pa s'yang kapangyarihan kaya kailangan n'ya ngayon ng Ambrosia."

Ambrosia is a food of gods and Goddesses that keeps them immortal.

"Sa'n naman nahahanap 'yon?" Tanong pa ni Ares.

"Sa ilog ng Archelous, wag kayong mag-alala pwede n'yo na s'yang masearch sa Google map para sa navigation."

"How?" Takhang tanong ni Hermes.

"Just type Ilog Pasig and click the search button, bye!" Yan lang ang huli n'yang sinabi bago s'ya biglang nawala sa paningin namin. Para s'yang bulang bigla nalang naglaho. She really is a goddess of strife.

"Kambal mo ba tal'ga si Eris?" Tanong ni Hermes kay Ares.

"Oo kaso lang ako matino pa mag-isip, e 'yon may saltik ata sa utak e."

"You're insane Ares, your twin is the goddess of strife." Sabay naming sagot ni Hades. Woah, telepathy?




Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now