27: Shadow Of Evil

5.4K 204 25
                                    

Chapter 27: Shadow Of Evil






Nakaupo ako ngayon sa bintana ko habang tinitignan ang kabuoan ng Olympus. Kahit gabi ay marami paring magagandang ilaw na nagbibigay liwanag dito.

Kitang-kita parin ang kasaganaan dito at hindi parin mawawala sa itsura nito ang kasiyahan kahit tapos na ang selebrasyon.

"If only he's here" ngiti kong sabi nang maisip kong muli si Hades. Hindi na ba talaga kami magkikitang muli?

Hindi mangyayari 'yon.

Hindi ko mahanap ang ilog ng Styx papuntang impyerno dahil sarado ang lagusan doon mula rito sa Olympus.

Iniisip ko palang ang malagim na sitwasyon ngayon ng impyerno ay nalulungkot na ako dahil nandoon ang mga bata at si Sterope. Hindi ko kayang isipin na ako ang dahilan kung bakit nalagay sila sa ganoong sitwasyon, bakit ba kasi ako mahina?

Umihip ang napakalamig na hangin kasabay ng pagkawala ng ilaw na nagbibigay liwanag sa silid ko. Biglang dumilim ang paligid at umihip muli ang malakas na hangin kaya bumaba na ako para buksan ang ilaw ng silid ko nang may marinig akong isang boses ng lalaki "Faith"

Napalingon ako sa bintana na kinauupuan ko kanina pero wala akong nakita kaya hindi ko nalang ito pinansin.

"Faith"

Napaisip ako dahil walang sinuman sa Olympus ang nakakaalam ng mortal kong pangalan.

"Faith" tawag nitong muli sa akin kaya pumunta ako malapit sa bintana para tignan kung sino ang tumatawag sa mortal kong pangalan.

"Hey" agad akong napasinghap nang makakita ako ng isang aninong nagsasalita sa bintana.

Bubuksan ko na sana ang ilaw nang bigla itong lumapit sa'kin "Don't open the light, they'll know that I'm here."

"What are you doing he-" hindi pa ako natatapos sa pagtatanong nang bigla kong maramdaman ang mainit n'yang katawan na nakayakap sa'kin.

Ugh, pumunta s'ya ritong walang suot pang-itaas? "This is dangerous! You shouldn't be here!"

"I know" bulong nito habang hindi parin inaalis ang pagkakayakap sa akin.

"Pano ka nakapunta rito?"

"I disguised through shadows"

"Ibig mo bang sabihin dumaan ka sa pamamagitan ng mga anino?" Tanong ko sa kan'ya.

"Yeah, because it's dark and they won't notice me here if walk throughout the shadows."

"Hades"

"What would be the value of shadows if I won't use it."

"Pano kung mawalan na naman ng balanse ang lahat? Pano kung mapansi-"

"Sssh" pinutol na naman n'yang muli ang sasabihin ko nang agad n'yang angkinin ang aking mga labi gamit ang mainit n'yang labi.

"Hades this is not-"

"I love you too" sagot nito pagitan ng aming mga halik.

Shit! I can't resist on him. It feels like his touches controls my whole body.

"You shouldn't be here" yan ang tanging nasabi ko nang simulan n'yang lakbayan ang buong katawan ko gamit ang mainit at nakakabaliw na galaw ng kan'yang mga kamay.

"Your presence is enough to explain why am I doing these dreadful acts just to see you." Bulong n'ya sa tenga ko pero hindi ko na alam kung anong isasagot ko dahil nararamdaman ko na ang mainit n'yang hininga sa leeg ko.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now