37: New Constellation

5.2K 215 10
                                    

Chapter 37: New Constellation



Hindi ko alam ngunit parang may nagtulak nalang sa akin na buksan ang pinto at pumasok sa loob ng templo ni Zeus.

"Elpis?" Agad ko itong nakita sa loob.

Para bang may tinuturo sa akin ang munting mist na ito. "Why are we here?" Bulong ko habang sinusundan parin ito.

Maya-maya lang ay bigla nalang itong naglaho sa paningin ko. "Elpis?"

Napalingon ako sa lugar kung saan ako dinala ni Elpis, nasa loob ako ngayon ng isang malawak ngunit medyo madilim na silid.

Isang bagay ang agad na pumukaw ng atensyon ko. Ang nag-iisang kumikinang na bagay na nasa gitna ng silid na ito.

Isang bilog at kulay gintong bagay na pamilyar sa akin.

"Emblem of Equilibrium," agad akong lumapit dito at tinignan ito ng maigi.

"Hades stole you from Olympus." Wika ko pa habang hindi inaalis ang mga mata rito na para bang pinag-aaralan ang bawat detalye na meron ito.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko nalang itong hinawakan at kinuha sa pagkakalagay nito sa gitna ng silid.

Agad akong napalingon sa paligid nang isang malakas na pagyanig ang naganap nang tuluyan ko nang mapasakamay ang Emblem of Equilibrium. Agad na nabasag ang mga bintana ng silid nang maslalong lumakas ang pagyanig.

"Shit!" I think I don't know what I am really doing.

Habang hawakhawak sa kamay ko ang Emblem of Equilibrium ay agad akong tumakbo palabas ng templo.

Halos magpantig ang tenga ko sa sobrang kaba na aking naramdaman nang marinig ko ang nakakatakot at maawtoridad na boses ni Zeus.

Halata sa boses nito ang galit, "PROSERPINE!"

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't tumakbo nalang ako ng tumakbo. Alam kong maraming kawal ang humahabol sa akin ngayon ngunit hindi ko alam ang gagawin ko.

"AAH!" Sigaw ko nang makarinig ako ng malakas na kulog na alam kong gawa ni Zeus.

Hinahabol ako ng kidlat na kapangyarihan ni Zeus na hindi ako kayang abutan. What the hell is happening? What the hell am I doing?!

"Shit!" Mura ko nang bigla nalang akong nadapa habang hingal na hingal na sa walang pigil na pagtakbo.

Alam kong hinahabol na ako ng maraming kawal maging ng ibang mga diyos at diyosa. Why is this always happening to me?

Hindi ko na namamalayan kung saan ako dinala ng aking mga paa. Napatingin ako sa bagay na bitbit ko ngayon, "Why the hell did I stole you?"

Napalingon ako sa paligid, nasa isang napakapamilyar na lugar ako ngayon, ang hardin ng Sicily.

I think I need to find something. The Narcissus, the bosom of Gaea, my way to the Underworld. Naglakad ako papuntang pusod nitong hardin upang hanapin ang bulaklak ni Gaea na siyang daan ko upang makapunta ng empyerno.

Halos araw-araw akong pumupunta sa bulaklak na iyon pero wala paring nangyayari, ngunit ngayon ay malaki ang pakiramdam ko na gagana iyon bilang lagusan ko papuntang empyerno.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now