04: Gate Of Hell

11.4K 441 38
                                    

Chapter 4: Gate Of Hell




Nagising ako dahil sa iba't-ibang kaluskos na naririnig ko sa paligid. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa lupang natatabunan ng mga patay at lantang damo.

"A-aray" ramdam ko parin ang pagkahilo at ang kaunting kirot sa ulo ko dahil sa taas ng pagbagsak ko.

Fvck that Hermes! Papatayin ko siya pag nagkita kaming muli.

Tumingin ako sa itaas para tignan kung gaano kataas ang pinagbagsakan ko pero puro hamog lang ang nakikita ko at ang mga patay na punong kahoy.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Patay na'ba ako? I'm in a middle of crossroads. N-nasa impyerno na'ba ako? Sobrang dilim ng paligid, puno ito ng patay na punong kahoy, patay na damo, mga lantang dahon na nagkalat sa daan at mga kalansay ng patay na tao sa gilid.

Agad na nanlamig ang katawan ko sa sobrang kaba dahil sa nakita ko.

"Sh!t this is hell!" Agad akong tumayo kahit nahihilo pa ako. Nilingon ko ang apat na daang nagkukrus ngayon sa gilid ko, nasa gitna ako nito. Saan ba ako dadaan?

Pareparehas lang naman silang lahat, may mga patay na punong kahoy, mga kalansay, lantang damo at makakapal na fogs.

Naguguluhan pa ako nang bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Aba't nagugutom din pala ang patay na nasa impyerno?

Siguro nga gutom na tal'ga ako dahil isandaang taon akong natulog pero patay na ako. Pano naman ako magugutom?

Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng pagkain. "Ayun!" Hiyaw ko nang may makita akong pomegranate na nasa gitna ng daan sa kanlurang bahagi.

Agad akong tumakbo para pulutin ito, mabuti nama't nandito ang prutas na 'to.

Agad ko itong kinagat at ninamnam ang sarap nito. When was the last time I taste something like this and feed myself? It has been a fvcking century.

Nagulat ako nang maramdaman kong may naglalakad sa likod ko. Fvck whats that?!

Agad ko itong nilingon at nahagip ng paningin ko ang isang itim na kabayong nakatayo sa likod ko "A-nong g-ginagawa mo rito?" Kinakabahang tanong ko sa kabayo na para namang sasagutin ako nito.

"Ugh! You're a horse and you can't answer me." Ang tanga mo tal'ga Faith. Kinagat kong muli ang pomegranate na hawakhawak ko at tinignan ulit ang kabayo na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko na para bang hinihintay na sakyan ko ito.

"Uhm, gusto mong sumakay ako?" Tanong ko at parang unti-unti namang binaba ng kabayo ang sarili na para bang pinapasakay tal'ga ako.

Napangisi nalang ako dahil sa ginawa n'ya. What a good horse. Agad akong dumampa sa likod nito para sumakay. This is my first time riding a horse and I'm a bit nervous.

Diretsong tinatahak ng kabayo ang daan na para bang may sinusundan ito. Tss, bahal s'ya total patay na'din naman ako baka dadalhin lang ako ng kabayong 'to sa piling nina lolo. I need to trust this horse. Dumaan ang kabayo sa kanlurang bahagi.

Kakagat na sana ako sa pomegranate na hawak ko nang may isang boses ng babae akong narinig "Nagising kana pala" agad kong nabitiwan ang hawak ko dahilan para mahulog 'to.

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin kung kaninong boses 'yon. Guniguni ko lang ba 'yon?

"It's been a long time" nagulat ako nang bigla nalang lumapit ang tinig n'ya. Sh!t pa'no n'ya ginawa 'yon nang 'di ko namamalayan?!

Nakasakay rin s'ya ngayon sa likod ng kabayo, nasa unahan ko na s'ya na nakaharap sa'kin. Pabaliktad ang pagkakasakay n'ya dahil nakaharap ang misno siya sa akin habang suot n'ya ang napakagandang ngiti sa kan'yang labi.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon