32: Killing A Demon

5.1K 181 14
                                    

Chapter 32: Killing A Demon




Tatlong araw na ang nakakalipas mula n'ong naganap ang malaking kasiyahan sa agarang kasal nina Hades at Antheia.

Presko parin sa isipan ko ang bawat detalye ng pangyayari. It's indeed a big shit.

Ang bawat ngiti ng demonyo kasama si Antheia, ang halik n'ya kay Antheia at ang tingin n'ya sa aking walang emosyon.

Gusto ko silang sabunotan pareho at itapon sa ilog Styx.

Masyadong biglaan ang lahat.

Dumungaw ako mula sa bintana at kitangkita ko rito na mas maunlad at lalong pinasaya na ang lugar ng Olympus. Siguro dahil sa kasal na 'yon.

Kamusta na kaya ang impyerno? Mas naging masaya ba ito dahil nandoon na si Antheia o mas lalong naging masalimuot ito dahil sa 'yon ang kagustuhan ng lahat?

I wonder what it is.

"Faith!" Agad akong nagulat sa isang boses ng lalaki na tumawag sa akin.

"Lolo?"

"Ulol, wag mo akong tawaging lolo dahil hindi na ako matanda."

"Okay. Hypnos but still, you'll always be my—"

"Ewan ko sayo! May importante pa naman sana akong sasabihin, tsk! Tsk! Sige wag nalang." Sabi pa nito at nagsimulang lumipad palayo ng bintana ko.

Tsk! Kinuha ko ang isang flower pot sa bintana ko at agad itong binato sapol sa ulo n'ya dahilan para mapalingon ito sa akin.

Pareho rin kaming napadungaw sa baba nang biglang narinig ang pagkabiyak ng pot.

"Hey! Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ko.

"Ayokong sabihin."

"Tsk. Ayaw mo? Sige tatawagin kitang lolo."

He roll his eyes and fly closer to my window. "What is it?"

"This is not about Hades but this is about something that involves the two of you." Seryosong sabi nito.

"Ano 'yon?"

"Ang dalawang bata."

"Angel and Sheol?! Asan sila?! Kamusta? Anong nangyari sa mga bata?! Nasa impyerno paba sila?! Nasa mabuti ba silang—"

"Kalma, kumalma ka Proserpina." Putol nito sa sunodsunod kong tanong.

"What?! Ano na?!"

"Wala sila sa impyerno ngayon at alam ko kung nasan ang mga bata."

"Asan?"

"Sa puting bahay sa likod ng mount Olympus. Maaari kitang dalhin d'on para makita ang mga bata pero hindi ka maaaring makita ng mga bata."

"Ha? Bakit?"

"Para sa kaligtasan ng lahat."





"Kuya Sheol!"

"Eto Angel oh!"

Nagkikita kong naglalaro ang dalawang bata mula rito sa isang sanga ng mataas na punong kahoy.

Kahit tinitignan ko na sila mula rito sa itaas ay nais ko paring lapitan ang dalawa para yakapin. Miss na miss ko na sila.

"Nand'yan sila mula n'ong naikasal si Hades kay Antheia." Boses ni Hynos na nakatingin rin mula sa isang malaking sanga sa kabilang puno.

"I miss them so much."

Gumuhit sa labi ko ang mapait na ngiti habang naiisip ang nangyayari sa amin. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit ganito.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now