30: The Groom And Bride

5.6K 194 34
                                    

Chapter 30: The Groom And Bride





Daladala ko parin ang itim na rosas hanggang sa makarating ako sa selebrasyon. Sumalubong sa akin ang mga diyos na nag-uusap-usap habang may hawak na mga wine glass samantalang nagpapatalbugan naman sa ganda ng mga damit ang mga magagandang diyosa.

Lahat ay kapansinpansin. Ang mga palamuti't mga kasuotan ay pawang itim at puti lamang, ngayon lang ata nagkaroon ng ganitong klaseng tema sa kulay ang selebrasyon ng Olympus. Masyado ata nilang pinaghandaan dahil imbetado si Hades na isa sa mga pinakamakapangyarihang diyos sa lahat.

"Ang ganda mo anak"

"Gayun naman ho kayo Ina" sabi ko kay Ina nang lumapit ito sa akin. Agad ko s'yang niyakap at binigyan ng halik sa pisngi.

Suot ni Ina ay purong puting mahabang damit dahil alam kong ayaw-ayaw n'ya sa itim.

Maya't maya pa ay inalok ako ni Ina ng isang maiinom nang dumako sa harap namin ang kusang limilipad na tray ng mga inumin. Kumuha ako ng isa gayun din si Ina.

"Masaya akong muli ay nakadalo ka sa isang selebrasyon na gaya nito." Nangiting saad ni Ina.

"Hindi ko alam kung bakit lahat kayo ay laging sinasabing ito ang unang beses kong makalahok sa isang malaking selebrasyon gayong sinalubong n'yo naman ako noon ng isa ring selebrasyon nang muli akong makabalik rito."

"Alam ng lahat na hindi ka nakiisa noon"

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Ina dahil hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko.

Dumako ang tingin ko sa operang tumutugtog ng napakasarap na saliw ng musika na siyang pinapangunahan ni Apollo. He'll lead the music obviously because he's the god of music,sunlight and prophecy.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang bakas ni Hades. Will he come?

"Maari ba muna kitang iwan anak?" Paalam ni Ina nang may nag-alok sa kan'ya ng isang sayaw.

"Opo" sagot ko saka tumango.

Tinignan ko ang rosas na daladala ko at sa pamamagitan n'on ay alam kong darating ang demonyong 'yon.

Tinignan ko ang mga diyos at mga diyosang sumasayaw sa gitna. Kasayaw ni Hera ang asawa n'yang si Zeus, si Ares naman ay kasayaw ang nobya n'yang si Aphrodite, si Hermes ay kasayaw ngayon ang kaibigan kong si Nyx, si Eros naman at ang asawa n'yang si Psyche ang magkasama. All of them were dancing with elegance and grace and it feels so romantic.

"May I?" Napatingin ako sa isang lalaking nag-alok sa akin ng sayaw.

"Poseidon?"

"We'll if you don't want to accept my offer then—"

"No! I have no reason to spurn you anyway." Putol ko sa sinabi n'ya at inabot ang kamay n'ya para tanggapin ang alok n'yang sayaw.

Nakisalo kaming pareho sa mga nagsasayawan at sumabay sa himig ng musika. "I wonder how did that dead king tamed you Proserpina." Seryoso n'yang saad.

"You don't have to wonder."

"Why?"

"Because we all know that love is better when it move on its own not by magic or any tricky spells."

"Well I felt that once or twice maybe but I don't want to make long love for eons, not even a century."

"Why not?"

"Because I'm not romantic like your husband."

"He'll always be a prodigious demon." I said with a smile.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora