12: Escape From Hell

8.5K 273 46
                                    

Chapter 12: Escape From Hell





Nandito kaming apat ngayong nakaupo sa harapan ng hapag na may maraming pagkain. Pero parang sina Hades at Sterope lang ang kumakain.

Si Ares ay ayaw kumain dahil masakit daw ng tiyan n'ya. Tss, ba't di n'ya nalang kaya sabihing takot s'ya sa sumpa ni Hades sa pagkain.

Anyone who eats the food of Hades will remain to the Underworld forever.

"Cellphone ang tawag d'yan di'ba?" Tanong ko kay Ares na kanina pa abala sa isang bagay na dala-dala n'ya.

"Oo" sagot naman nito. Nakita ko kasi 'yon dati kay Lance at Kate. Pinapahiram pa nga ako ni Lance dati e kapag manonood ako ng movie, hindi kasi ako marunong gumamit n'yan.

"May ganito ka'ba dati? N'ong nasa lupa kapa?" Tanong nya sa'kin habang hawak parin ang bagay na'yon.

"Wala, yung pinsan ko lang ang meron."

"Try natin." Nagulat kaming tatlo nina Hades at Sterope nang tinapat n'ya sa aming lahat ang cellphone at nakita namin ang mga mukha namin.

"Groupfie ang tawag dito mga tsong, teka kukuha ako ng magandang anggulo." Sabi nito at ginalaw-galaw ang cellphone na nasa harapan naming lahat samantalang hindi parin maalis ang mga mata naming nakatingin dito.

Kunot noo namin itong tinitignan. Parang lagi 'tong ginagawa ni Kate dati e.

"Smile" sabi ni Ares at ngumiti naman s'ya habang nakatingin sa cellphone habang kaming tatlo ay parang naguguluhan pa.

"Tignan n'yo" sabi n'ya at pinakita sa'min ang litrato naming apat na nasa loob ng cellphone.

Fvck! Pwede palang gawin 'to ba't di 'yon sinabi ni Lance?

"What the hell is that thing Ares?" Kunot noong tanong ni Hades sa kan'ya.

"Nasa lupa kasi ako noon tsong, tapos may gyera. Syempre isa akong gwapong diyos ng digmaan edi tinapos ko ng maaga 'yong digmaan nila at-"

"I'm asking you what is that thing Ares, I'm not asking you about its legend." Pagpuputol ni Hades sa pagkukwento ni Ares.

Tumikhim naman si Ares bago muling nagsalita, kahit pala isang diyos ay natatakot din sa demonyong si Hades.

"Cellphone ang tawag dito, gamit ito ng mga millennials at ng mga gwapo at 'di ignoranteng diyos gaya ko." Paghahangin nito sa'min.

Tss, isa din pala 'tong hambog na Diyos kagaya ng mensaherong si Hermes.

"Tss, that's nonsense." sabi ni Hades na hindi parin inaalis ang tingin sa cellphone na hawak ni Ares. Tss, parang gusto n'ya lang magkaroon ng ganyan e.

"May saysay to tsong, ginawa 'to ni Hermes para masmadali ang pakikipagkomonika ng mga tao." Pangangatwiran naman ni Ares.

"Ibig mo bang sabihin si Hermes ang may gawa n'yan?" Tanong ni Sterope kay Ares.

"Parang ganon na nga pero hindi e, kasi si Hermes pinagkaloob n'ya lang 'to sa mga tao samantalang ang mga tao na ang mismong may likha nito." Pagpapaliwanag naman ni Ares.

Ibig sabihin ay ang mga tao talaga ang mismong may gawa nito- pero ideya ito ni Hermes na binigay sa mga tao dahil tungkulin n'ya bilang isang Diyos ang panatilihin ang mabuting pakikipagkomonika ng mga tao.

"Gusto kong-" hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko nang bigla tumayo si Hades at nagsalita.

"Mag-usap muna tayo Ares." Seryosong wika nito at tumalikod bago naglakad paalis. Tss, his demonic aura, I hate it.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें