08: God Of Dreams

9.5K 343 36
                                    

Chapter 8: God Of Dreams





"Mahahaha-ma, magand-ahahahaha" Hindi ko alam kung may sayad ba ang lalaking nasa harap namin ngayon. He keeps on laughing kahit wala namang nakakatawa.

Is there a crazy god? If there is, it must be Morpheus, the god of dreams and sleep. May katandaan na s'ya, suot ang mahabang damit at may mahabang balbas. Parang 'yong professor ni Harry Potter na napanood ko noon na cellphone ni Lance.

Sarap niyang sipaan para tumigil na siya kakatawa.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na silid na puno ng mga libro. Sobrang daming libro na ang iba'y nagabundok nang nagkalat sa sahig, tanging maliit na ilaw lang ng gasera ang nandito at mga nagliliparang maliliit na nilalang. Parang mga fairy na umiilaw-ilaw sa dilim.

"Ginoong Morpheus, Diyos ng mga panaginip, may nais po kas-" hindi pa natatapos sa pagsasalita si Adonis nang muli itong humalakhak na parang nawawala na sa tamang pag-iisip. Nakaupo s'ya ngayon sa isang upuan sa gitna ng silid na'to.

"Ahahahahaha-alam kong an-hahaha dito kayo para magtanong hahaha" Sabi n'ya na may halong tawa. And now he can't stop on laughing.

Paano ba siya patigilin sa pagtawa? Lasunin ko kaya siya?

"Nais po namin-" hindi na naman natapos sa pagsasalita si Adonis nang muli n'ya itong putulin ng napakalas at walang humpay na tawa.

"Ahahahahaha itatanong n'yo ang tungkol sa panaginip di'ba?"

Eeerr, obviously? Sana naman mapasukan ng ipis ang bibig niya para tumigil na siya.

"Opo" magalang na tugon ni Adonis. Ba't n'ya pa ginagalang ang lalaking 'to? Puro tawa lang naman ang alam n'ya e.

Nagulat ako nang bigla nalang s'yang nagseryoso at tumigil sa pagtawa.

"Proserpine?" Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman ang pagtindig ng balahibo ko nang banggitin n'ya ang pangalan ng d'yosang pinaniniwalaan nilang ako.

Parang nanlamig ako sa kinauupuan ko at hindi makagalaw. Sh!t anong nangyayari?!

"Anak ni Zeus at ni Demeter, asawa ni Hades at reyna sa kailaliman ng mundo." Seryosong saad n'ya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Para bang hindi n'ya lang ako basta kanakausap dahil parang may sinasabi pa s'ya sa'kin gamit ang mga mata n'ya. Ugh, I don't know what he want to say.

"Isandaang taon kang nakatulog."

Pareho lang kaming tahimik ni Adonis at nakikinig sa kan'ya na ngayon ay may binubuklat na malaking itim na libro.

"Isandaang taong paghihintay rin ang ginawa ng mga tao, diyos at mga diyosa sa paggising mo." Tiniklop n'ya at libro at inabot ito sa'kin.

"Hawakan mo" Hindi ko alam pero parang bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nagdadalawang isip akong abutin ang librong 'yon.

Huminga ako ng malalim at tinignan lang ng maigi ang librong itim. Ano bang meron sa librong 'to?

"HAWAKAN MO!" Agad na nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat nang sumigaw sa galit si Morpheus. Naramdaman namin ang kaunting pagyanig ng silid at narinig ang mga kalabog dahil sa pagkahulog ng ilang libro na epekto ng pagsigaw n'ya. He's really powerful.

Inabot ko ang libro mula sa kan'ya. I have no choice, he's a god. Alangan namang hindi ko siya sundin edi patay na ako ngayon.

"Pumikit ka ngayon Proserpine." Mahinahon n'yang saad habang nakatingin sa'kin.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن