29: Goddesses Of Olympus

5.4K 199 2
                                    

Chapter 29: Goddesses Of Olympus





"He'll be fine right?" Tanong ko sa isang napakaliit na mariposa na nasa labas ng malaki kong bintana.

Pero gaya ng inaasahan ko ngiti lang ang kaya nitong isagot. Huminga ako ng malalim at tumingala sa mga bituin sa langit habang nakaupo rito sa bintana.

"Night is so beautiful."

"Thank you!"

"Oh!" Kamuntik na akong nahulog sa gulat nang dahil sa isang boses ng babae na sumagot sa'kin.

"S-sino ka?" Tanong ko habang lumilingon-lingon sa paligid.

"I'm night!" Sagot muli nito sa'kin.

Bumaba ako at pumasok sa loob ng silid ko.

"Magpakita ka sa'kin!"

"Hello? Nakikita mo na ako! Ako nga ang gabi diba?"

"Nyx?"

"Ako nga!" Hindi na ako nagulat nang bigla itong lumabas sa kung saan at niyakap ako mula sa likod.

"Oh, I've been watching you every night." She whispered.

"You're watching everything and everyone every night, silly!" Pagkaklaro ko sa kan'ya at binatukan ito

Nyx is the goddess of night, she's the meaning of darkness at night. She's a very beautiful damsel since she's a goddess and she's a very good friend of mine, she's better than Anthiea of course.

"Kaya nga" tawa pa nito.

Umupo ako sa kama ko at sinabing "I'm tangled."

"We never talked like this after eons right? So you can tell me everything!"

"Answer me, is he fine?" Tanong ko.

"Hmm, I'll answer you with a question." Sabi nito agad na sumampa sa kama ko na parang pag-aari n'ya ito.

"What?"

"Are you really in love with a demon you used to fear with?"

"Tss, he's—"

"Sssh he's fine for now but tomorrow he'll never be." Putol nito sa sinabi ko na may seryosong boses.

"He'll never be?"

"I don't know." Nilingon ko s'ya sa kan'yang kinahihigaan pero laking gulat ko nalang nang wala akong Nyx na nakita.

"Hey Nyx!" Sigaw ko.

"Take a rest Proserpine you need energy for tomorrow." Boses nito mula sa kawalan.

"I'm no longer a mortal so it's not my necessity to sleep anymore!" Katwiran ko pa pero wala na akong narinig na sagot mula sa kan'ya.

"Hey! I thought you'll listen to me!" Sabi ko pa pero muli ay wala akong narinig na sagot mula kay Nyx.

Tama, nakikinig parin pala s'ya kasi s'ya naman ang gabi.

Humiga ako sa kama at inisip ang mga nangyari kanina.

Hindi ako pinapansin nina Ares at Hermes, hiniwalay nila ako kay Hades, nakuha nila ang Emblem of Equilibrium kay Hades at bukas ay iniimbita nila si Hades sa Olympus kahit na mapanganib ang liwanag ng Olympus para kay Hades.

Paparusahan kaya nila si Hades dahil lang sa bagay na'yon? Pero sigurado akong hindi n'ya kinuha 'yon dahil wala naman siyang interes sa mga bagay sa Olympus bakit n'ya naman kukunin y'on?


Maagang naghanda ang lahat na parang may isang malaking selebrasyon ang gaganapin sa buong Olympus. Abala ang lahat ng mariposa at maging ang mga diyos at diyosa para sa mga palamuti ng kasiyahan.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now