36: Spirit Of Hope

5.4K 215 2
                                    

Chapter 36: Spirit Of Hope



Anim na buwan mula noong binalik ako ni Hades sa Olympus.

Ang dating pasya na hahatiin ang panahon ko sa loob ng isang taon upang makapiling ang demonyo at ang aking Ina ay wala na. Hindi na nila ako pinabalik pa sa empyerno, kahit anong pilit kong bumalik roon ay hindi na nila ako pinahihintulutan.

Araw-araw akong pumupunta sa Sicily upang hintayin na dukutin akong muli ni Hades gaya ng dati, ngunit hindi. Pumunta na ako sa lagusan papuntang empyerno ngunit wala paring nangyayari.

Nanatili ako sa Olympus at laging tinitignan ang kalagayan ng sangkatauhan. Bumalik na sa balanse ang Lupa, Empyerno at Olympus.

Ngayon ay papunta ako sa kastilyo ni Ares upang tanungin ito kung kamusta na si Hades.

Pagkapasok ko sa loob ng kastilyo ni Ares ay sinalubong agad ang aking paningin ng napakalawak na silid na puno ng mga patalim, baril at iba't-ibang kagamitan sa pakikidigma.

"Ares" tawag ko

Tinanong ko ang isang mariposa kung nasan si Ares ngunit hindi nito alam kung nasan ito.

Where the hell is that asshole? Could he possibly be with Hermes and Hades right now?

Lalabas na sana ako nang may nakita akong pigura ng isang pamilyar na babae.

"Ina?"

"Proserpine" gulat nitong saad nang makita ako sa loob ng kaharian ni Ares.

"Anong ginagawa n'yo rito?" Tanong ko sa kan'ya.

"Ah— may... may inutos lamang sa akin si Zeus na..."

"You're here," agad na naagaw ang atensyon ko sa boses ng isang babae na ayaw na ayaw kong marinig.

"Antheia" bulong ko.

Papalapit ito sa kinatatayuan namin ni Ina. I really hate this girl!

Matapos akong ibalik ni Hades sa Olympus ay maslalo nilang pinagpilit na ipagtibay ang kasal ni Antheia at Hades. Ang alam ng lahat ngayon ay si Antheia ang asawa ni Hades na s'yang dumudurog ng puso ko.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang tinitignan itong naglalakad palapit sa amin suot ang isang kulay itim na kasuotan. Tinignan ko ang aking sarili, nakasuot ako ng purong puti na kasuotan na walang bahid ng kulay itim.

Ibang-iba ito sa kulay na lagi kong suot kapag kasama ko si Hades. "Why are you here?" Tanong ko kay Antheia.

"I just want to see Olympus. Underworld is too hot and I don't want to keep myself with darkness and fire." Wika nito na para bang ayaw na ayaw n'ya sa sitwasyon ng impyerno.

I just rolled my eyes because of what she said. Bitch! She doesn't deserve to be the wife of the demon.

"Anong ginagawa mo rito sa kastilyo ni Ares?" Tanong ko sa kan'ya.

"Nakalimutan mo na ba? Matalik na magkaibigan sila ni Hades..."

I know bitch.

"I'm here to relay a message from Hades. Do you want to hear it?"

Yes, I want but not from you.

"I'm not interested tho," sabi ko at naglakad palabas ng pintuan nitong kastilyo.

"Nandito ka ba upang itanong kung kamusta si Hades?" Habol ni Antheia bago paman ako nakalabas. Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin n'ya iyon.

Ayoko sa lahat ang marinig ang pangalan ni Hades mula sa boses ni Antheia. Nanggagalaiti ako.

"He's fine without you," wika nito na medyo natawa pa.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon